Blue Eagles dinagit ang karibal Green Archers, 68-54

Blue Eagles dinagit ang karibal Green Archers, 68-54

Blue Eagles dinagit ang karibal Green Archers, 68-54

Nakadagit ng isa ang Ateneo de Manila University laban sa mortal na karibal De La Salle University, 68-54, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum Sabado.

Ang Blue Eagles at Green Archers, na naglaro na wala si Schonny Winston, ay pumasok sa break na tabla ang iskor 29-all.

 

Pagkatapos nasa Ateneo na ang lahat ng oportunidad nang ibulid ng Blue Eagles ang 17-point palobo patungo sa fourth na may malaking 27-10 third frame, 56-39.

Naisalta ng La Salle ang kaungusan ng oposisyon sa 12 makaraang maghabol ng 22, 49-61, may 4:25 ang natitira sa orasan ngunit iyon na ang pinakamalapit na naabot nito hanggang sa huling minuto.

"The third quarter was very telling. We defended great in the third quarter and that led to some easy points," sambit ni Ateneo coach Tab Baldwin.

 

Si Ange Kouame ay may dominanteng 11 puntos, 14 rebounds, limang block, at tatlong steals upang ipaghiganti ang pagkatalo ng Blue Eagles sa unang round sa kanilang matagal nang karibal, 78-83.

Nakakuha si Dave Ildefonso ng 12 puntos, pitong rebound, at tatlong steals, habang may tig-11 puntos sina Kai Ballungay, Forthsky Padrigao, at Chris Koon.

Sa panalo, nasilo ng Ateneo ang baraha sa 6-3 para patatagin ang hawak sa ikatlo, habang hinila ang Green Archers pababa sa 3-6, ang kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo.

Sa liga, pormal na nasungkit ng Unibersidad ng Pilipinas ang Final Four seat. (Louis Pangilinan/UAAP)

Iskor:

Ateneo 68 -- Ildefonso 12, Kouame 11, Ballungay 11, Koon 11, Padrigao 11, Andrade 8, Gomez 2, Chiu 2, Lazaro 0.

La Salle 54 -- Nelle 15, Nwankwo 7, Quiambao 6, Nonoy 6, Austria 5, Estacio 5, Manuel 4, M. Phillips 3, Abadam 2, Macalalag 1.

Quarters: 10-16, 29-29, 56-39, 68-54.