NU Bulldogs rumesbak vs FEU Tamaraws, 71-60

NU Bulldogs rumesbak vs FEU Tamaraws, 71-60

Napanghawakan ng National University ang kanilang malaki-laking  deficit para makaresbak kontra Far Eastern University, 71-60, sa ikalawang yugto ng  UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Sabado sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
 
Laglag ng  19 points sa  first half, inistratehiya ng alipores ni coach Jeff Napa ang 18-0 run na pinitas mula sa basket ni  Patrick Yu 8:21 mark ng huling kanto. 
 
Sumunod na tumubog si John Lloyd Clemente ng limang walang sagot na puntos para hilahin ang iskor ng NU sa 71-60 may 10.3 segundo ang nalalabi,  na nagpatianod sa Bulldogs na selyuhan ang panalo at matubos ang kanilang 55-56 talo sa  Tamaraws sa unang round.
 
“We’re lucky enough to come back from down 19 points,” papuri ni  Napa. “At least, hindi bumitaw ang mga bata nung second half. Tinrabaho nila unti-unti. At least nakabalik kami.
 
“Nakuha namin yung momentum. Bumalik sa amin yung way na gusto namin mangyari. Kasi nung first half, yung way ng kabila yung nilalaro namin eh," sabi pa ng second year head coach kung saan nagawa nilang maisampa ang rekord sa 7-3 para manatiling nasa solo segunda posisyon. 
 
Pinangunahan ni Yu ang NU ng 15 points at anim na assists habang si Jolo Manansala ay may 12 points at anim na rebounds.
 
Nag-ambag si Clemente ng 11 points at apat na  rebounds habang si John Figueroa ay may 10 points at 13 rebounds. (Louis Pangilinan /UAAP) 
 
Iskor:
 
NU (71) - Yu 15, Manansala 12, Clemente 11, Figueroa 10, Baclaan 7, Palacielo 6, Malonzo 2, John 2, Tibayan 2, Padrones 2, Minerva 2, Enriquez 0, Galinato 0, Mahinay 0.
 
FEU (60) - Sajonia 27, Torres 10, Sleat 9, Tchuente 8, Tempra 5, Sandagon 1, Anonuevo 0, Alforque 0, Bautista 0, Celzo 0, Bagunu 0.
 
Quarters: 15-20, 26-38, 48-52, 71-60.