Soaring Falcons binalandra ang Growling Tigers, 56-55

Soaring Falcons binalandra ang Growling Tigers, 56-55

Soaring Falcons binalandra ang Growling Tigers, 56-55

Ibinaon ni Cedrick Manzano ang go-ahead and-one kung saan ang undermanned Adamson University ay galing sa ibaba para lapain pa ang University of Santo Tomas sa gahiblang 56-55 win sa UAAP Season 85 men's basketball tournament Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Naagaw ni Manzano ang inbound pass mula kay Joaquin Jaymalin kung saan pinaanod ang swabeng layup na na-foul ni Migs Pangilinan.Tinubog niya ang bonus may 7.1 segundo.

Sumunod nagmintis si Jamba Garing sa posibleng game-winner sa kabilang dulo.

"Ang tawag doon para-paraan. Wala na kaming mapuntahan eh. UST played with a lot of confidence today I had to give them credit," sambit ni Adamson coach Nash Racela.

Dapa ang Soaring Falcons ng 19, 28-47, makaraan ang triple midway ni Garing hanggang ikatlong kanto.

Ngunit naisara nila ang match sa 28-8 pasabog para agawin ang panalo at maiakyat ang baraha sa 4-5, kasosyo ang Far Eastern University sa pang-apat.

Kumayod si Manzano ng 19 points at 10 rebounds, habang si Lenda Douanga ay may siyam na puntos at 12 rebounds.

"Nilagay namin sa white board nung halftime you miss 100-percent of the shots you don't take. Good thing may hindi natatakot kanina. Binuhat kami ni Cedrick," ani pa Racela. (Louis Pangilinan/UAAP)

Iskor:

 

Adamson 56 -- Manzano 19, Douanga 9, Torres 8, Jaymalin 6, Sabandal 4, Colonia 4, Barasi 4, Yerro 2, Hanapi 0, Flowers 0, Fuentebella 0, W. Magbuhos 0.

UST 55 -- Cabanero 22, Pangilinan 9, Manaytay 6, Manalang 5, Garing 5, Faye 3, Calimag 3, Duremdes 2, Lazarte 0, Gesalem 0, Mantua 0, Herrera 0, Escobido 0.

Quarterscores: 11-17, 19-31, 40-50, 56-55.