Fighting Maroons ramdam ang pagka-astig kontra Red Warriors, 83-69

Fighting Maroons ramdam ang pagka-astig kontra Red Warriors, 83-69

Fighting Maroons ramdam ang pagka-astig kontra Red Warriors, 83-69

Nanindigan ang University of the Philippines sa huling paglusob ng University of the East para angkinin ang 83-69 panalo at selyuhan ang playoff spot sa ikalawang ikutan sa UAAP Season 85 Men’s Basketball Tournament, Sabado sa Smart Araneta Coliseum sa Kyusi.

May 9-1 karakas, nakuha ng Fighting Maroons ang isang playoff spot. Ngayon, kinakailangan na lang mabura ang Red Warriors team na tangkang makahulagpos ng posibleng panalo.

Ungos sa 32-14 mula na rin sa tres ni Cyril Gonzales, 1:22 marka sa unang kuwadro, nasilip ng Fighting Maroons na nababawasan ang kanilang bentahe, 64-71 salamat na lang sa basket ni Gani Stevens may 4:02 nalalabi sa kontes.

Gayunman, isang 10-0 hilakbot sa likod ng baskets ni Zav Lucero, Malick Diouf, at Cyril Gonzales ang nagpaangat muli sa State U para muling ilayo para sa 81-64 may 1:07 pa kung saan kinandado ng UP ang win no. nine.

“We started well. We moved the ball well, especially in the first quarter. Yun lang, towards the second quarter, we just need to learn to sustain what we started,” sambit ni UP coach Goldwin Monteverde.

“The way I see it, nag-i-improve naman kami in terms of yung chemistry namin. Ang importante, ma-sustain namin.”

Bitbit ni Diouf ang UP sa kanyang career-high 23 points may 15 rebounds, apat na assists, tatlong steals, at dalawanh tapal habang sinundan ni Lucero ng 17 points, apat na assists, at dalawang supalpal.

May kontribusyon din sina Terrence Fortea at Harold Alarcon ng tig- 10 puntos para sa Fighting Maroons.

Salungat naman kay Carl Tamayo na may zero points sa likod ng zero-out-of-four shooting, tatlong rebounds, at apat na turnovers sa halos 13 minuto sa loob.

Malaking deperensiya ang binitawang lakas ng Fighting Maroons’ bench mob sa paggapas ng 44 points kontra sa 19 ng Red Warriors. Nakapagtala din ang UP ng 37 defensive rebounds kompara sa 18 ng UE.

Laglag ang UE sa 4-6 record, para sa pampitong posisyon.
(Louis Pangilinan /UAAP)

 

Iskor:

UP 83 - Diouf 23, Lucero 17, Fortea 10, Alarcon 10, Galinato 9, Gonzales 7, Spencer 4, Abadiano 2, Cagulangan 1, Tamayo 0, Torculas 0, Calimag 0, Lina 0, Ramos 0.

UE 69 - Stevens 23, K Paranada 15, N Paranada 13, Villegas 10, Payawal 4, Sawat 2, Abatayo 2, Pagsanjan 0, Tulabut 0, Beltran 0, Antiporda 0, Remogat 0.

Quarters: 35-18, 49-33, 63-55, 83-69.