Depensa ang puhunan ng Growling Tigresses vs nalumpong Lady Warriors!

Depensa ang puhunan ng Growling Tigresses vs nalumpong Lady Warriors!

Ginawang puhunan ng University of Santo Tomas ang kanilang malagkit na depensa para lapain ang  76-36 win kontra lugmok na  University of the East sa UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament, Miyerkules sa Quadricentennial Pavillion sa Manila.
 
Kagagaling sa mapaklang 67-60 kabiguan laban sa De La Salle University noong Sabado, kinailangan ng Growling Tigresses ang pampalakas-loob na tagumpay. At dumating nga sa naturang panahon. 
 
Bagamat hindi pa kampante si UST head coach Haydee Ong sa nasabing panalo kung saan ang malamig na largada mula sa field ay nagpapatuloy. Tumirada lang ang  Growling Tigresses ng 3-of-24 mula sa ilalim.
 
"We really played badly last Saturday and we are still not satisfied with how we are playing, especially yung perimeters. We have to improve in our next game and find out why we are in a slump sa shooting namin," sambit ni  Ong.
 
Rumatsa sa salpukan ang dalawang  rookies sa personahe nina Rocel Dionisio at Rachel Ambos.
 
Si Dionisio, 20 at produkto ng  Mataas na Paaralang JC Laya, ang dumeliber ng double-double  na 19 points at  15 rebounds, kasama ang dalawang  assists, dalawang steals, at  dalawang blocks. Samantala, si Ambos, 19 at produkto ng R. Torres National High School, ay kumanti ng walong  steals , walong puntos at limang rebounds.
 
"Hinihintay ko magsabaysabay sila. Hopefully, in this round magsabay na silang lahat," dagdag ni Ong, na naghihintay pa rin ng  "perfect game" kung saan ang seniors at teams rookies ay parehong nagpasabog.
 
Ungos na sa 21-12 sa pagtatapos ng opening stanza, kinulapol ng UST ang UE sa second quarter, nilimitahan ang bisita sa tanging  1-of-15 shooting mula sa  field habang pinuwersa sa  10 turnovers para sa 42-14 lead. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
UST 76 - Dionisio 19, Soriano 9, Tacatac 9, Pangilinan 8, Ambos 8, Villasin 7, Villapando 5, Santos 4, Bron 4, Serrano 2, Araza 1.
 
UE 36 - Kone 11, Paule 8, Nama 5, Anastacio 4, Terrinal 4, Gervacio 2, Sajol 2, Silva 0, Tinio 0, Delig 0.
 
Quarterscores: 21-12, 42-14, 60-25, 76-36.