Lady Falcons ginulantang  ang Fighting Maroons, 62-61!

Lady Falcons ginulantang  ang Fighting Maroons, 62-61!

Lady Falcons ginulantang  ang Fighting Maroons, 62-61!

Ginapos ng Adamson University ang   University of the Philippines, sa paglista ng gahiblang  62-61 panalo para ihinto ang kanilang  four-game losing streak sa UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament, sa University of Santo Tomas' Quadricentennial Pavillion, Miyerkules. 
 
Krusyal na panalo ito para sa  Lady Falcons, na huling nanalo sa laro noon pang  October 12 -- isang 96-61 win laban sa Far Eastern University, kasosyo nila ang  Fighting Maroons na may kapwa 3-6 baraha -- tanging 2.5 games sa likuran ng Ateneo de Manila University sa ikaapat. Naglalaro ang  Blue Eagles vs. National University habang tinitipa ito. 
 
"Talagang must-win namin yung game na ito. Sabi ko nga, nasa ICU (Intensive Care Unit) kami ngayon at dead or alive kami," wika ni first year Lady Falcons head coach Brian Gorospe.
 
"It's just that yung mga games namin before, hindi namin maisara ng maayos even kahit wala si Dindy [Medina]. Nag-focus na lang kami kung sino ang mga nasa loob, lalo sila [Rose Ann] Dampios kasi sila yung leaders namin ngayon," ani pa Gorospe, kung saan tatlong sunod  na laro na wala si Medina makaraang magtamo ng  knee injury laban sa Ateneo nung October 19.
 
Gayung kinailangan ng Adamson na kumapit para abatan ang huling atake ng UP para madagit ang panalo.
 
Ungos ng 13 points sa kaagahan ng  third canto, sugod ang Fighting Maroons para itabla ang giyera sa  61-all matapos ang basket ni Kaye Pesquera may  46.3 segundo ang nalalabi. 
 
Sa kabilang dulo,  na foul si  Leslie Flor sa  stripe. Naitarak  niya ang isa sa kanyang pressure-packed free throws para makaungos ng isa ang Lady Falcons.
 
May  6.7 segundo, nagmintis ang hindi nararapat na tres ni Rhea Sanchez. Nagawang i-secure ng Adamson ang board at panalo. 
 
Si Dampios,  third-year Lady Falcon, ang nanguna sa Adamson na may 20 points, pitong rebounds, at limang  steals habang nagdagdag si Nigerian center Victoria Adeshina ng 12 points, 12 rebounds, apat na steals, at tatlong blocks. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
 
Adamson 62 - Dampios 20, Adeshima 12, Catulong 9, Ornopia 6, Alaba 5, Flor 3, Padilla 2, Agojo 2, Etang 2, Meniano 1, Tano 0, Dela Cruz 0, Carcallas 0.
 
UP 61 - Sanchez 15, Larrosa 9, Maw 8, Lozada 7, Bariquit 6, Tapawan 5, Domingo 4, Pesquera 4, Vingno 2, Rivera 1, Jimenez 0, Sauz 0, Gonzales 0.
 
Quarters: 19-10, 35-24, 51-45, 62-61.