Lady Archers ginapos sa lubluban ang Lady Tamaraws,  56-42!

Lady Archers ginapos sa lubluban ang Lady Tamaraws,  56-42!

Lady Archers ginapos sa lubluban ang Lady Tamaraws,  56-42!

Iginapos ng De La Salle University ang Far Eastern University sa lubluban ng kabiguan, sa bisa ng 56-42 win para sa kanilang ikatlong sunod na panalo sa  UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament, Miyerkules sa  University of Santo Tomas' Quadricentennial Pavillion.
 
 
Todo-mulat ang Lady Archers sa kanilang mga kalaban sa pagpasok sa laro habang ang Lady Tamaraws ay kagagaling  sa 62-56 panalo laban sa University of the East noong Linggo.
 
"Of course, FEU is a very good team. They are a Final Four contender every year. We were in a dogfight today and good thing we were able to keep up with the physicality. Again, every win for us is a grind out. We don't dominate and we just outwork our opponents," wika ni Lady Archers head coach Cholo Villanueva.
 
Makalipas ang dominanteng second quarter kung saan nasilip ng La Salle na limitahan ang FEU sa anim na puntos sa 1-of-16 shooting clip para sa 31-18 lead,  nagawang gumanti ng Lady Tamaraws.
 
Sa likod ni  Angel Obien, pinutol ng FEU ang ungos pababa sa walo, 50-42, may 3:13 nalalabi. Pero nagawang maibalik ng tambalan ni  Fina Niantcho Tchuido at Lee Sario ang okasyon, tumibag ng back-to-back baskets para tiyakin ang kanilang pampitong panalo sa siyam na laro at manatiling segunda kasama ng UST.
 
Nanguna si Niantcho Tchuido at Lee Sario sa La Salle na may tig-12 points habang  may pinagsamang 15 boards. Sumipat din si Bettina Binaohan ng double-double na 10 points at 14 boards, na tumapak para kay  Joehanna Arciga na limitado lang sa dalawang puntos at tatlong rebounds sa hostilidad. 
 
"We are moving in the right direction. For example, Jo was not playing well today so Bettina stepped up for us. We have the next man up mentality and we hope that continues," sambit ni Villanueva. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
DLSU 56 - Ninatcho Tchuido 12, Sario 12, Binaohan 10, Torres 8, Jimenez 4, De La Paz 3, Espinas 3, Camba 2, Arciga 2, Ahmed 0, Villava-Cua 0.
 
FEU 42 - Taguiam  13, Pacia 6, Obien 6, Delos Santos 2, Jumuad 2, Paras 2, Go 1, Manguiat 0, Cunanan 0, Aquino 0, Calinawan 0, Lopez 0, Salvani 0, Samonte 0.
 
Quarters: 14-12, 31-18, 43-29, 56-42.