Fighting Maroons ganado, winarak ang Soaring Falcons, 91-70

Fighting Maroons ganado, winarak ang Soaring Falcons, 91-70

Fighting Maroons ganado, winarak ang Soaring Falcons, 91-70

Umabot na sa lima ang winning streak ng University of the Philippines matapos ilampaso ang Adamson University, 91-70, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament Miyerkules sa SM Mall Asia Arena.

Ginamit ng Fighting Maroons ang malaking palobo sa second half para ariin ang league-best 8-1 habang lagapak ang Soaring Falcons sa 3-5 kasama ng Far Eastern University sa ikaanim.

"'Yun pa rin we didn't have the start na gusto namin. We need to improve on our defense I think they made 45 points in the first half," litanya ni UP coach Goldwin Monteverde patungkol sa kanyang team's kryptonite sa palawig na season.

"Habang nagpo-progress 'yung season we have to work on that. I think yun pa rin being consistent and not thinking about whatever standing we're at now."

Umarangkada si JD Cagulangan sa pasabog ng Fighting Maroons kaakibat ang triple may 25 segundo na lang sa ikatlong yugto, 69-57.

Sinundan ng pinagsamang anim na sunod na puntos nina Harold Alarcon at Zavier Lucero para simulan ang fourth na maibulid ang sandamukal na 18-point bentahe, 75-57.

Nagdeliber si Malick Diouf ng career-high 20 points sa 7-of-11 shooting mula sa field kaagapay ang walong rebounds at limang steals.

Si Carl Tamayo ay plus-25 sa kanyang 18 points at limang rebounds, habang sina Lucero at Terrence Fortea ay nagbigay ng 14 at 12 points, ayon sa pagkakasunod.

Nanguna si Jerom Lastimosa sa Soaring Falcons tipak ang 19 points, tatlong rebounds, tatlong assists, at tatlong steals.(Louis Pangilinan/UAAP)

Iskor:

UP 91 -- Diouf 20, Tamayo 18, Lucero 14, Fortea 12, Alarcon 9, Cagulangan 8, Galinato 8, Spencer 1, Calimag 1, Gonzales 0, Abadiano 0, Ramos 0.

Adamson 70 -- Lastimosa 19, Manzano 10, Sabandal 9, Douanga 8, V. Magbuhos 8, Yerro 7, Hanapi 5, Colonia 3, Barcelona 1, Flowers 0, Jaymalin 0, Torres 0, Barasi 0, Fuentebella 0, W. Magbuhos 0.

Quarters: 28-25, 50-45, 69-57, 91-70.