FEU Tamaraws tuloy ang ratsada, Green Archers nabiktima, 57-53!

FEU Tamaraws tuloy ang ratsada, Green Archers nabiktima, 57-53!

FEU Tamaraws tuloy ang ratsada, Green Archers nabiktima, 57-53!

Patuloy ang pagsuwag ng Far Eastern University at isinama na sa listahan ng biktima ang kulang sa palasong De La Salle University 57-53, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.

Sinagasa ng Tamaraws ang 8-0 run para umungos ng anim may 52.9 segundo ang nalalabi, 56-50.

Sumagot naman si CJ Austria para sa Green Archers sa bisa ng tres may 31.9 tikatik bago nabigong makapuntos ang FEU sa kabila.

Habang may isa pang pagkakataon na maitabla ang laban, nai-fumble ni Austria ang bola mula kay Bryan Sajonia bago tuluyang selyuhan ni Xyrus Torres mula sa linya.

"Sinwerte kami because of that situation La Salle is in (five players out) but a win is a win, we'll take it," sambit ni Tamaraws coach Olsen Racela.

"Grinding out wins helps with the team's character. Down the line I think this will help us as long as we stay healthy."

Nasilo ng FEU ang kanilang pang-apat na sunod na panalo para mailista ang 4-6 baraha habang inabsorba ng La Salle ang ikatlong magkasunod na kabiguan, lubog sa 3-5.

Naglaro ang Green Archers na wala ang standouts na sina Schonny Winston (calf), Mike Phillips (stomach flu), at Evan Nelle (suspension). Wala rin sina Raven Cortez (ankle) at Ice Blanco (lagnat).
(Louis Pangilinan /UAAP)

Iskor:

FEU 57 -- Torres 12, Gonzales 10, Sajonia 9, Anonuevo 6, Sleat 6, Bautista 6, Tchuente 5, Bagunu 2, Sandagon 1, Alforque 0, Tempra 0, Celzo 0.

La Salle 53 -- Quiambao 12, Nwankwo 8, Austria 8, Estacio 8, Buensalida 5, Nonoy 4, Abadam 3, Macalalag 2, B. Phillips 2, Manuel 1, Escandor 0.

Quarters: 16-13, 33-27, 44-43, 57-53.