Red Warriors umaklas vs Growling Tigers, 81-51

Red Warriors umaklas vs Growling Tigers, 81-51

Red Warriors umaklas vs Growling Tigers, 81-51

Tinapalan ng University of the East ang kanilang three-game slide sa bisa ng dominanteng 81-51 panalo kontra University of Santo Tomas, Miyerkules sa UAAP Season 85 men's basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Pumulas ang Red Warriors matapos ang 20-9 second quarter na pinalakas ang kanilang 11-point first frame lead sa pagpalobo ng 22-point sa kalahati, 45-23.

Sumugod pa ng husto ang UE sa second half, na lumamang ng may 34 puntos matapos itarak ni Harvey Pagsanjan ang tres, 43.1 segundo ang nalalabi sa laban, 81-47.

"Game plan namin talaga ngayon is not to involve UST ano? We all know medyo maybe down 'yung morale nila pero 'yun 'yung nakakatakot eh," saad ni Red Warriors coach Jack Santiago.

Uminit si CJ Payawal matapos ang halftime, niratrat ang lahat ng kanyang 17 points kaagapay ang pagkalawit ng walong rebounds at limang assists para sa UE.

Humamig si Luis Villegas ng 16 points sa 6-of-8 shooting may apat na rebounds at dalawang tapal.

Umangat ang UE sa 4-5 kartada habang pinalawig ng UST ang kanilang pasakit sa pitong asignatura sa barahang 1-7.

Tanging liwanag sa dilim si Adama Faye para sa Growling Tigers na may 23 points at 18 rebounds. Natambangan si Nic CabaƱero sa pitong puntos buhat sa 2-of-15 clip mula sa field.(Louis Pangilinan/UAAP)

Iskor:

UE 81 -- Payawal 17, Villegas 16, Tulabut 8, Sawat 6, Antiporda 6, N. Paranada 6, Remogat 5, K. Paranada 4, Stevens 4, Pagsanjan 3, Beltran 3, Guevarra 3, Abatayo 0, Langit 0.

UST 51 -- Faye 23, Pangilinan 8, Cabanero 7, Manalang 4, Manaytay 4, Escobido 2, Lazarte 2, Valentin 1, Calimag 0, Garing 0, Gesalem 0, Duremdes 0.

Quarters: 25-14, 45-23, 60-36, 81-51.