FEU Tamaraws nagpahiyang muna bago binakbakan ang Red Warriors, 75-68! 

FEU Tamaraws nagpahiyang muna bago binakbakan ang Red Warriors, 75-68! 

FEU Tamaraws nagpahiyang muna bago binakbakan ang Red Warriors, 75-68! 

Kibit- balikat ang Far Eastern University sa kanilang mabagal na simula para sumingasing sa second half at  paluhurin ang  University of the East, 75-68, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum, Linggo ng hapon. 
 
Kinarera ng Red Warriors ang 12-0 simula at umungos pa ng  15 sa first half ngunit winagwag ng Tamaraws ang matalim na sungay sa bisa ng 21-9 run sa ikatlong yugto para umusad sa huling kanto na may 55-51 lead. 
 
Pagkatapos kumampay sa payoff period sina L-jay Gonzales, Bryan Sajonia, at Patrick Sleat sa pamamagitan ng ened 10 sunod sunod na puntos para ihatag sa FEU ang komandong  65-51 lead may 6:58 pa. 
 
Ngunit nagawang mangunyapit ng UE sa bisa ng pagkaagresibo nina  Gani Stevens and Nikko Paranada para sa 12-2 pasabog para hilahin sa apat,  63-67, may 2:18 nalalabi. 
 
Sinagot naman ni Patrick Tchuente ng Tamaraws sa bisa ng  back-to-back baskets na sinabitan ng isang dakdak, may 1:27 mark para iligwak ang Red Warriors.
 
"My players stuck to the game plan. Nagkaproblema lang in the start but our zone helped us but it was our team defense that really gave us that win," sabi ni FEU coach Olsen Racela.
 
 
Kinolekta ng Tamaraws ang kanilang ikatlong sunod na panalo matapos ang nakabagabag ang 0-5 start tungo sa  3-5, tabla sa nadulas na  Red Warriors, kung saan inabsorba ang kanilang ikatlong sunod na kabiguan para sa pang-anim na posisyon.  (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
FEU 75 -- Torres 22, Gonzales 14, Tchuente 13, Sajonia 6, Anonuevo 5, Sleat 4, Bautista 4, Bagunu 3, Tempra 2, Celzo 2, Alforque 0, Sandagon 0.
 
UE 68 -- N. Paranada 21, Stevens 13, Villegas 13, Payawal 9, K. Paranada 6, Sawat 4, Pagsanjan 2, Remogat 0, Alcantara 0, Guevarra 0, Antiporda 0, Beltran 0.
 
Quarters: 8-23, 34-42, 55-51, 75-68.