Pinatawan ng isang-larong suspension si Evan Nelle matapos ang unsportsmanlike foul sa laban ng De La Salle University kontra Adamson University nung October 22.
Naganap ang insidente may 2:13 pa ang nalalabi sa unang yugto ng naturang aksiyon.
Isisilbi kay Nelle ang suspension sa laban ng La Salle kontra University of Santo Tomas, Sabado, October 29.
Ito na ang ikatlong paglabag sa mga patakaran sa paglalaro ni Nelle.
Una na noong October 1 sa panahon ng La Salle game versus University of the Philippines may 5:04 ang nalalabi sa laro.
Ang ikalawa ay noong October 9 may 6:25 ang natitira sa ikalawang kanto ng La Salle's game kontra Ateneo de Manila University. (Louis Pangilinan/UAAP)