Evan Nelle ng DLSU suspendido uli! 

Evan Nelle ng DLSU suspendido uli! 

Evan Nelle ng DLSU suspendido uli! 

 
Pinatawan ng isang-larong suspension si Evan Nelle matapos ang  unsportsmanlike foul sa laban ng  De La Salle University kontra Adamson University nung  October 22.
 
Naganap ang insidente  may 2:13 pa ang nalalabi sa unang yugto ng naturang aksiyon. 
 
Isisilbi kay Nelle ang suspension sa laban ng La Salle kontra University of Santo Tomas,  Sabado, October 29.
 
Ito na ang ikatlong paglabag sa mga patakaran sa paglalaro ni  Nelle.
 
Una na noong  October 1 sa panahon ng La Salle game versus University of the Philippines may 5:04 ang nalalabi sa laro. 
 
Ang ikalawa ay noong  October 9 may 6:25 ang natitira sa ikalawang kanto ng  La Salle's game kontra Ateneo de Manila University. (Louis Pangilinan/UAAP)