Kinailangan lang ng University of the Philippines na makahukay ng malalim para ibaon ang University of the East, 84-77, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.
Ang and-one ni Zavier Lucero may 42.8 seconds ang natitira ang naghatag sa Fighting Maroons ng 10-point lead, 79-69.
Pero tungkab si CJ Payawal ng triple, bago nakaagaw ang Red Warriors ng bola, inihatag ang bola sa one-and-done winger para sa panibagong tres may 29.8 tikatik, 75-79.
Sa sumunod na ganap, naitarak ni Gerry Abadiano ang kanyang freebies bago kinarera ni Nikko Paranada ang kahabaan ng court sa isang layup para hilahin ang UE sa tatlo may 15.3 seconds na lang, 77-80.
Latag si Malick Diouf sa free throw shooting, na pawang naipasok , bago na-foul si UP Kyle Paranada ngunit mintis ang kanyang dalawang kawanggawa.
"We started slow again. We really need to work on 'yung consistency ng team," saad ni UP coach Goldwin Monteverde.
Umangat ang Fighting Maroons bilang league-leading 5-1 win-loss record kasama ng National University na nauna nang namayani laban sa De La Salle University.
Sina Gerry Abadiano at Terrence Fortea ay may tig-13 puntos para sa UP. (Louis Pangilinan/UAAP)
Iskor:
UP 84 -- Tamayo 13, Fortea 13, Abadiano 13, Diouf 8, Spencer 7, Lucero 7, Gonzales 7, Calimag 5, Galinato 4, Ramos 3, Alarcon 2, Lina 2, Torculas 0.
UE 77 -- Payawal 21, N. Paranada 20, Villegas 10, Pagsanjan 9, K. Paranada 9, Stevens 3, Antiporda 3, Sawat 2, Beltran 0, Alcantara 0, Remogat 0.
Quarters: 18-13, 38-41, 59-56, 84-77.