Blue Eagles dinagit ang  Soaring Falcons,  76-55

Blue Eagles dinagit ang  Soaring Falcons,  76-55

Blue Eagles dinagit ang  Soaring Falcons,  76-55

Dominanteng bumalik ang Ateneo de Manila University sa win column nang pigilang makapagaspas ng  Adamson University, 76-55, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Miyerkules sa SM Mall of Asia Arena.
 
Pinamunuan ni Kai Ballungay ang pagragasa sa kanyang career-best 21 points buhat sa  8-of-10 shooting sa  field kabilang ang apat na  rebounds at dalawang assists.
 
"I'm very happy that we're back on the right side of the win column after the UP loss," wika ni Ateneo coach Tab Baldwin.
 
Ungos lang ng anim,  tinumbok ni Dave Ildefonso angv three-pointer sa pagtapos ng half time na ikinalamang ng siyam na puntos ng Blue Eagles,  41-32.
 
Sumunod na bumulid ang Ateneo mula dito at binuksan ang ikatlong kanto sa bisa ng 12 walang sagot na puntos para i-establisa  ang 21-point lead may 6:52 ang nalalabi , 53-32.
 
Hatag din si Ildefonso ng 15 points gayong si  Gab Gomez ay may walong puntos.
 
Itinaas ng Blue Eagles ang kanilang karta sa 4-2 para sa solong tersera puwesto, habang ang Soaring Falcons ay laglag sa  2-4 para sa pang-anim. 
 
Kumana si Jerom Lastimosa ng  18 points, ang nag-iisang  double-digit scorer ng Adamson, ngunit nabigong mailadlad ang  single assists habang nalasap ang tatlong turnovers.
 
Nagdagdag si Lenda Douanga ng walong puntos at 10 rebounds.
 
"Jerom had a big game with 18 points but he had to work for them. Credit to BJ Andrade, Chris Koon, and Sean Quitevis," sambit ni Baldwin.
 
Target ng Adamson na wakasan ang kanilang  two-game skid sa Sabado sa Ynares Center Antipolo laban sa De La Salle University. Haharapin ng Ateneo ang University of the East sa Linggo. 
 
Iskor:
 
Ateneo 76 -- Ballungay 21, Ildefonso 15, Gomez 8, Chiu 7, Padrigao 5, Lazaro 5, Kouame 4, Andrade 4, Garcia 3, Koon 3, Daves 2, Ong 2, Quitevis 0, Fetalvero 0, Fornilos 0, Lao 0.
 
Adamson 55 -- Lastimosa 18, Douanga 8, Torres 6, Manzano 5, Flowers 4, Jaymalin 3, Fuentebella 3, Yerro 2, Barasi 2, Barcelona 2, W. Magbuhos 2, V. Magbuhos 0, Colonia 0.
 
Quarterscores: 22-16, 41-32, 61-47, 76-55.