Sa likod ng agresibong tambalan nina Tacky Tacatac at Joylyn Pangilinan, nagpaulan ang University of Santo Tomas kontra Far Eastern University, sa pagbaldosa ng 83-49 panalo at ariin ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament, Miyerkules sa Quadricentennial Pavillion.
Si Tacatac, third-year Tigress, at Pangilinan, na transferee mula Enderun College, ay gumatilyo ng 12 mula sa 15 treys ng Uste sa giyera.
Sumagpang si Tacatac ng 24 points, six rebounds, at three assists habang nagdagdag si Pangilinan ng 21 points mula sa pitong tres.
"Yung gameplan namin nasunod. I'm happy na yung scouting report namin against FEU worked today. Also, Tacky and Joylyn provided the outside shooting for us. Yung role also ng bawat player were done really well," sambit ni Growling Tigresses head coach Haydee Ong kung saan nailista nila ang 5-1 karta sa standings para manatiling nasa ikalawang posisyon.
"Sinunod lang namin yung gameplan ni coach kaya naging maganda yung resulta para sa amin," dagdag ni Tacatac.
Gapos ang 24-16 lead paakyat sa second stanza, kinandado ng UST ang FEU sa tanging 11 points para hilahin ang 47-27 lead sa kalahatian ng giyera.
Umabot pa ng 39 puntos ang kalamangan ng Growling Tigresses sa final frame.
Nagkaloob din si Eka Soriano ng all-around line para sa Tigresses, gumayat ng 10 points, walong assists, at anim na steals.
Sa Sabado, umaasa si Ong na ang kanyang tropa ay maipinid ng malakas ang yugto sa nakatakdang pagsagupa nila versus University of the Philippines sa Ynares Antipolo. (Louis Pangilinan/UAAP)
Iskor:
UST 83 - Tacatac 24, Pangilinan 21, Soriano 10, Dionisio 7, Serrano 6, Araza 5, Villasin 4, Danganan 4, Bron 2, Santos 0, Ambos 0, Villapando 0.
FEU 49 - Jumuad 17, Taguiam 10, Go 9, Paras 4, Aquino 3, Pacia 2, Obien 2, Geabroso 2, Delos Santos 0, Lopez 0, Salvani 0, Cunanan 0, Mendaros 0.
Quarterscores: 24-16, 47-27, 70-38, 83-49.