Cayabyab ang bida ng Lady BulldogsĀ  vs Lady Archers, 93-72

Cayabyab ang bida ng Lady BulldogsĀ  vs Lady Archers, 93-72

 
Muling pasiklab ang bidang freshman na si Kristine Cayabyab para sa kanyang career-high, at itaas ang National University sa 93-72 win kontra De La Salle University tungo sa kanilang pang-anim na sunod na panalo sa  UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament, Miyerkules sa  Quadricentennial Pavillion sa Manila.
 
Si Cayabyab, na umiskor ng 19 points sa 100-66 win ng Lady Bulldogs kontra Adamson University nung Sabado ay tumibag ng  27 points sa 10-of-20 shooting na may walong rebounds, dalawang assists, at dalawang  steals.
 
Nasa tiyempong produksiyon para sa NU na wala ang presensiya ni sophomore Ann Pingol sanhi ng lagnat. 
 
"We kinda started slow. We missed the services of Ann Pingol but the other guys stepped up, and contributed really well," sambit ni first-year NU head coach Aris Dimaunahan. "Nakalayo kami sa second half. It's a total collective effort from everyone on our team."
 
"First of all, credit sa coaches ko, especially Coach Aris. Every game, sinasabi niya sa akin, bawi lang, bawi lang. Ngayon lang ako bumabawi kay Coach Aris. Gusto ko rin mag-step up dahil wala si Karl Ann," dagdag ni Cayabyab, na tinanghal na MVP sa UAAP Season 84 Women's 3x3 Tournament.
 
Karat ang 69-57 lead may  8:38 ang nalalabi sa laro, nasilip ng Lady Bulldogs ang pulso mula sa ilalim, ipinako  ang anim na tres  sa 24-8 run para anihin ang 93-65 lead may 1:54 ang natitira.
 
Ang panalo ang  ika-102  sunod na tagumpay ng  NU sa liga. 
 
 
Laglag ang Lady Archers sa 4-2 baraha sa standings, okay pa rin para sa solo ikatlong puwesto. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
NU (93) - Cayabyab 27, Clarin 19, Edimo Tiky 15, Surada 12, Cacho 9, Fabruada 6, Canuto 5, Betanio 0, Villareal 0, Solis 0, Bartolo 0, Talas 0, Ico 0, Estacio 0, Dimaunahan 0.
 
DLSU (72) - Niantcho Tchuido 20, Sario 17, Torres 12, Binaohan 8, Espinas 6, Arciga 6, De La Paz 3, Jimenez 0, Dalisay 0, Ahmed 0, Castillo 0, Camba 0.
 
Quarterscores: 18-12, 40-32, 65-52, 93-72.