Fighting Maroons dinomina ang Lady Warriors 66-42  

Fighting Maroons dinomina ang Lady Warriors 66-42  

Inaresto ng University of the Philippines ang kanilang two-game slide sa UAAP Season 85 Women's Basketball Tournament, nang dominahin ang  winless University of the East, 66-42, Miyerkules sa  Quadricentennial Pavillion ng University of Santo Tomas.
 
Nanggaling sa talikurang kabiguan kontra National University nung nakaraan Miyerkules at Ateneo de Manila University, sadyang kinakailangan ng Fighting Maroons ang madulas na panalo, ayon kay  head coach Paul Ramos, kung saan hilahod sila sa ibaba ng  standings habang pasara na ang unang yugto ngayong linggo. 
 
"Very important. As we all know, the standings are shaping up and we are beginning to see who will be battling it out for the second, third, and fourth spots. Obviously, we are buying one of those spots so every win matters for us," saad ni Ramos na ang panalo ang maglalagak sa kanila tabladong 3-3 baraha  -- half-a-game na angat sa  Ateneo, na haharapin ang  Adamson University sa naturan ding araw. 
 
"We wanted to win that game against Ateneo but we didn't. Moving forward, every win counts heading into the second round. We all know that the magic number is eight wins so we are trying to get to that," sabi pa ni Ramos, na balik l-gunita sa kanilang  67-61 pagkatalo sa  Blue Eagles nung Linggo.
 
 
Malakasang  arangkada ang humamig sa kanilang  kampanteng panalo para sa Fighting Maroons, sa ikinamadang 25-5 sa unang kanto. 
 
Sa unang  10 minuto ng laro, na-outscored ni junior Erika Jimenez ang pusod ng  Lady Warriors team lahat sa kanyang pagsosolo, nagpaulan ng siyam sa kanyang 11 points sa naturang  pasada.
 
"Ang masasabi ko lang is team effort ito. Credit talaga sa teammates namin na dumepensa para maka-shoot kami," sambit ni Raagas, tubong  Cavite. (Louis Pangilinan /UAAP) 
 
 
Iskor:
 
UP 66 - Larrosa 11, Jimenez 11, Vingno 10, Domingo 10, Maw 7, Sanchez 7, Bariquit 6, Tapawan 2, Rivera 2, Pesquera 0, Gonzales 0, Sauz 0, Lebico 0, Lozada 0.
 
UE 42 - Kone 13, Paule 6, Anastacio 5, Silva 4, Lorena 4, Terrinal 3, Caraig 2, Sajol 2, Gervacio 2, Nama 1, Dela Rosa 0, Delig 0, Tinio.
 
Quarterscores: 25-5, 38-11, 54-25, 66-42.