NU Bulldogs wagi sa Green Archers 80-76

NU Bulldogs wagi sa Green Archers 80-76

NU Bulldogs wagi sa Green Archers 80-76

 
Tumalbos ang National University ng 80-76 panalo laban sa  De La Salle University para sa kanilang pang-apat na tagumpay sa  UAAP Season 85 men's basketball tournament, Miyerkules sa  SM Mall of Asia Arena.
 
Ito ang unang panalo ng  Bulldogs kontra Green Archers mula  October 28, 2015 sa kanilang engkuwentro sa second round sa Season 78.  Wagi ang La Salle sa sumunod na  10 matchups.
 
"Nakahinga rin ako! Isa sa mga big boys ito (La Salle) eh. We're down ng third quarter, we have to change our momentum para mapunta sa amin 'yung way," sambit ni NU coach Jeff Napa.
 
Hinila ni Kevin Quiambao ang La Salle sa tatlo kawing ang  triple may 58.2 seconds ang nalalabi, 76-79.
 
Nagmintis si Steve Nash Enriquez sa kanyang  three-pointer attempt sa kabila na naglagay sa  Green Archers ng isa pang  pagkakataon na matabla ang laban pero nagmintis si  Quiambao sa kanyang tangka sa korner bago nilayag ni  John Lloyd Clemente ang laro mula sa linya. 
 
Nanguna si Enriquez  sa Bulldogs sa kanyang 16 points na pinanday sa apat na tres, tatlong  rebounds, tatlong assists, at  plus-14 sa 23 minutes.
 
"Thankful kami sa panalo pero 'yun nga marami pa kaming kulang," sambit ng sophomore floor general.
 
Si Clemente ay may double-double na  16 points at 10 rebounds, habang si Omar John ay nakagayat ng 15 points, 12 rebounds, four steals, at two blocks.
 
Angat ang NU sa ibabaw ng standings sa kartang 5-1, kalahating laro sa itaas ng  University of the Philippines na haharapin ang  University of the East ngayon din. 
 
Ang La Salle na nadulas sa 3-3 marka para sa panglimang puwesto, ay dinala ni Quiambao na may 15 points at anim na  rebounds, kaparehong statline sa nagbalik na si Mike Phillips na nagrehistro ng tatlong  blocks at tatlong  steals. (Louis Pangilinan/UAAP)
 
Iskor:
 
NU 80 -- Clemente 16, Enriquez 16, John 15, Figueroa 12, Malonzo 6, Baclaan 5, Yu 4, Galinato 2, Manansala 2, Mahinay 2, Minerva 0, Tibayan 0, Palacielo 0, Tulabut 0, Padrones 0.
 
La Salle 76 -- Quiambao 15, M. Phillips 15, Nelle 14, Winston 12, Abadam 7, Nwankwo 4, Manuel 3, Estacio 3, Cortez 2, B. Phillips 1, Escandor 0.
 
Quarters: 23-17, 40-41, 61-63, 80-76.