Pinatawan at pinatawag ang dalawang istudyanteng atleta ng tig isang larong suspensyon ng University Athletic Association of the Philippines' commissioners office, October 19, 2022.
Si CJ Austria ng De La Salle University ay binigyan ng one-game suspension dahil sa "flagrant unsportsmanlike foul with no direct play for the ball" na kanyang ginawa sa naging laban ng tropa kontra Far Eastern University nakaraang October 15, 2022.
Nangyari ang insidente may 5:59 pa sa ikatlong yugto ng aksiyon.
Ilalaan ang suspensyon ni Austria sa paghaharap ng La Salle versus National University, Miyerkules.
Gayundin, ipapalasap din kay Adama Faye ng University of Santo Tomas ang one-game suspension dahil sa "flagrant unsportsmanlike foul" na kanyang ginawa sa kanilang laro kontra University of the East nung October 16, 2022.
Nangyari ang insidente, may 56 seconds ang nalalabi sa third quarter ng giyera.
Ilalagak ang suspensyon kay Faye sa pagsabak ng UST laban sa Far Eastern University, Miyerkules. (Louis Pangilinan/UAAP)