Kacey Dela Rosa bagwis ng Lady Eagles vs Fighting Maroons, 67-61

Kacey Dela Rosa bagwis ng Lady Eagles vs Fighting Maroons, 67-61

Kacey Dela Rosa bagwis ng Lady Eagles vs Fighting Maroons, 67-61

Kacey Dela Rosa bagwis ng Lady Eagles vs Fighting Maroons, 67-61

Nagsilbing bagwis si Kacey Dela Rosa ng Ateneo de Manila University para sa 67-61 panalo laban sa University of the Philippines, Linggo sa UAAP Season 85 women's basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena.

Si Dela Rosa, freshman na mula sa Chiang Kai Shek High School, ang kumaldag ng mala-halimaw na double-double na 30 points at 20 rebounds kabilang ang pitong blocks.

Ang kanyang pagrampa ang sumapaw sa statline ng multiple season-highs, para lagpasan si Dindy Medina (Adamson) na 29 points kontra University of Santo Tomas noong October 1, sapaw sina Fina Niantcho (La Salle) at Kamba Kone (UE) sa 19-rebound efforts -- na parehong nangyari nung October 5, at muling i-set ang kanyang sariling marka na six blocks na kanyang natibag noong October 1 laban sa FEU.

Giniya ni Dela Rosa ang 11-5 run sa haling yugto, umiskor ng siyam para ihatag sa Blue Eagles ang nine-point lead may 1:07 pa, 64-55.

Bagamat naipako pa ni Christie Bariquit ang apat na sunod na puntos para ilapit ang Fighting Maroons sa lima, 59-64, may 37.1 segundo na lang.

Gayunman, nilusaw nina Dela Rosa at Jhazmin Joson ang laro mula sa linyada.

"We really expect a lot from Shaq and Kobe. That's what I call them (Dela Rosa and Joson)," sambit no Ateneo head coach LA Mumar.

"I also commend my other players, si Sandra Villacruz, Lj Miranda, and Junize Calago when they do their stuff, it allows these two to do their stuff."

Tumabo din si Joson ng triple-double na 11 points, 11 rebounds, at 10 assists, habang si Sandra Villacruz ay nakahilot ng 12 points at 10 rebounds.

Inaresto ng Ateneo ang kanilang three-game funk at naitasa sa 2-3 kartada para tabla sa UP at Adamson University sosyo sa fourth.

Iskor:

Ateneo 67 - Dela Rosa 30, Villacruz 12, Joson 11, Calago 6, Miranda 4, Nieves 4, Eufemiano 0, Cruza 0.

UP 61 - Pesquera 16, Bariquit 13, Lozada 9, Tapawan 8, Sanchez 5, Vingno 4, Domingo 2, Maw 2, Jimenez 2, Sauz 0, Rivera 0, Larrosa 0, Gonzales 0.

Quarterscores: 20-22, 35-39, 53-50, 67-61.