Growling Tigresses sumingasing, niratrat ang Lady Warriors, 107-44

Growling Tigresses sumingasing, niratrat ang Lady Warriors, 107-44

Growling Tigresses sumingasing, niratrat ang Lady Warriors, 107-44

Growling Tigresses sumingasing, niratrat ang Lady Warriors, 107-44

Walang habas na sinubsob ng University of Santo Tomas ang naduhaging University of the East via 63-point pagratrat, 107-44, Linggo sa UAAP Season 85 women's basketball tournament, sa SM Mall of Asia Arena.

Todo resbak si Tacky Tacatac matapos ang hindi kaaya -ayang performance sa kanilang huling laro laban sa Ateneo nung Miyerkules, sa pagpitas ng 27 points, apat na rebounds, at tatlong steals.

"We had a very slow start nung first quarter and I just told the girls na medyo tight sila noon. Our defense nung second quarter started na medyo nahirapan 'yung UE," litanya ni Growling Tigresses head coach Haydee Ong.

Nagawang sabayan ng Lady Warriors ang UST sa first quarter, na naidikit lang sa tatlo, 15-18.

Pero hanggang dun na lang ang lahat ng pagpaubaya ng Growling Tigresses para isingasing naman ang 34-11 sa second period at iestablisa ang 26-point lead sa gitna, 52-26, bago hinila pa sa 41 sa pagwawakas ng ikatlo, 74-33.

Pasikat si Eka Soriano sa kanyang quadruple-double na 20 points, walong assists, walong steals, at pitong rebounds para sa UST.

Hatag si Brigette Santos ng 12 points, nine assists, at six steals, habang si Rachel Ambos at Nikki Villasin ay humugot ng 12 at 11 points, ayon sa pagkakasunod, kung saan ang una ay kumalawit ng 11 rebounds.

Ragasa ang Growling Tigresses sa 4-1 kartada, kasama ng De La Salle University sa ikalawang puwesto, habang nanatiling winless ang UE sa limang asignatura.

 

Iskor:
UST 107 -- Tacatac 27, Soriano 20, Santos 12, Ambos 12, Villasin 11, Danganan 9, Bron 6, Serrano 4, Araza 3, Villapando 3, Dionisio 0.

UE 44 -- Anastacio 8, Lorena 8, Sajol 8, Kone 8, Terrinal 6, Silva 2, Gervacio 2, Caraig 2, De Leon 0, Paule 0, Zamudio 0, Nama 0.

Quarterscores: 18-15, 52-26, 74-33, 107-44.