Naitala ng University of the East amg kanilang ikalawang sunod na panalo sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, sa pagbuwag kontra University of Santo Tomas, 78-68, Linggo sa SM Mall of Asia Arena.
Ang Red Warriors, na nanalo laban sa Growling Tigers sa unang pagkakataon buhat pa October 7, 2017 -- 96-91 victory, ay umusad sa ibabaw .500 at 3-2, sosyo sa De La Salle University sa ikaapat na posisyon.
Ito rin ang kanilang unang winning streak mula Season 82.
"Hindi ako makapaniwala eh. It's really a team effort especially like guys like Harvey [Pagsanjan] and [Jojo] Antiporda na for the last four games, they were struggling no? I'm so happy nagising na sila," sambit ni UE coach Jack Santiago.
Ungos lang ng tatlo, sumugod ang Red Warriors sa pamamagitan 14-4 pasabog para kumalas kasama na ang bulusok na tres ni Luis Villegas may 1:28 ang natitira,73-60.
Ginatilyo ni Villegas ang 17 points, 13 rebounds, six assists, at three steals, habang may 17 points, anim na rebounds at apat na assists din si Nikko Paranada.
May 13 puntos si Antiporda lahat sa ikatlong kanto, habang si Gani Stevens tumuklap ng 11 points sa 5-of-7 shooting sa kanyang unang laro laban sa dating koponan.
Muling nanguna si Nic Cabañero sa Growling Tigers, 19 points at 14 rebounds pero tumikada lang ng 5-of-17 sa field, habang nagdagdag si Ivan Lazarte ng 12 points sa loob ng 10 minuto.
Nasampal si UST's Adama Faye ng disqualifying foul may 2:01 mark sa third period matapos tinamaan ng siko ang panga ni Harvey Pagsanjan mula sa loose ball battle.
Dapa ang Growling Tigers sa 1-4, kanilang magkasunod na laro matapos ang kanilang panalo sa opener kontra Adamson University.(Louis Pangilinan /UAAP)
Iskor:
UE 78 -- Villegas 17, N. Paranada 17, Antiporda 13, Stevens 11, Pagsanjan 5, Payawal 5, K. Paranada 4, Sawat 4, Abatayo 2, Beltran 0, Remogat 0, Guevarra 0, Alcantara 0, Langit 0, Lingo-lingo 0.
UST 68 -- Cabanero 19, Lazarte 12, Faye 11, Manalang 9, Pangilinan 8, Manaytay 5, Duremdes 2, Calimag 1, Mantua 1, Garing 0, Herrera 0.
Quarters: 10-13, 28-29, 55-49, 78-68