UAAP  Fighting  Maroons astig  vs Blue Eagles,  76-71

UAAP  Fighting  Maroons astig  vs Blue Eagles,  76-71

 
Ipinangalandakan ng University of the Philippines ang kanilang dominasyon sa Ateneo de Manila University sa overtime, 76-71, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Linggo sa  SM Mall of Asia Arena.
 
Nakaungos na ng tatlo, sanib sa  Fighting Maroons sina Malick Diouf at Terrence Fortea na umisplit ang kanilang apat na free throw tungo sa limang bentahe,  73-68, may 32.1 seconds left sa OT.
 
Ngunit nakatipak si Forthsky Padrigao ng tres para maihila  ang  Blue Eagles sa dalawa, 71-73, may 23.4 tikatik na lang bago pumunta sa linya si  Carl Tamayo, maitarak ang kanyang free throws para iwanan ang  UP lead sa isang ball possession, 74-71.
 
Sa sumunod na tikada, nagtangka ng tres si Kai Ballungay para sa Ateneo bago ang agawan sa loose ball tussle kung saan natawagan si Ange Kouame ang huling naka-touch ng bola. Tapos tinubog na ni  Diouf ang laro sa linya. 
 
"I believe that we played better as a team. We moved the ball well, we really tried to work on especially 'yung offense namin," saad ni UP coach Goldwin Monteverde, na kinumpara ang kanilang pagkatalo sa National University nung Miyerkules. 
 
Sinagkaan ng Fighting Maroons makaiskor sa field ang  Blue Eagles sa unang 8:20 sa fourth period bago umiskor sina Padrigao at Dave Ildefonso ng pitong puntos na walang kasagutan para itabla ang iskor sa 64 may 36.7 seconds ang nalalabi.(Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
UP 76 -- Tamayo 20, Spencer 14, Diouf 12, Lucero 10, Cagulangan 7, Abadiano 6, Galinato 4, Fortea 3, Gonzales 0, Alarcon 0, Calimag 0.
 
Ateneo 71 -- Ildefonso 22, Padrigao 15, Kouame 10, Andrade 9, Ballungay 8, Koon 5, Chiu 2, Lazaro 0, Gomez 0, Garcia 0, Quitevis 0.
 
Quarters: 18-14, 33-38, 53-54, 64-64, 76-71.