NU Bulldogs sinalanta ang Adamson Falcons, 58-54

NU Bulldogs sinalanta ang Adamson Falcons, 58-54

NU Bulldogs sinalanta ang Adamson Falcons, 58-54

NU Bulldogs sinalanta ang Adamson Falcons, 58-54

Pinisak ng National University ang
Adamson University na naging salpukan sa depensiba, 58-54, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Sabado sa SM Mall of Asia Arena.

Angat lang ng dalawa, tinubog ni Mike Malonzo ang magarbong and-one kontra nakahambalang na si Lenda Douanga para ilagak ang Bulldogs sa lima bago lumapa si Joshua Yerro ng dalawang freebies para muling ilapit sa tatlo, 51-54.

Pero tininggal muli ng 6-foot-3 NU forward ang isa pang layup bago naibuslo ni John Lloyd Clemente ang kanyang freebies para palawigin ang ungos sa anim may 14.5 seconds left, 51-57.

Si Jerom Lastimosa ang nagdala sa Soaring Falcons sa kanyang tatlo na may tres ngunit ang libreng buslo sa linya ni Jake Figueroa ang nagselyo ng panalo.

"Luckily, nakuha namin itong panalo na ito but still, we're unsatisfied kasi outrebounded kami ngayon and ang dami naming binigay na points sa paint," sabi ni Bulldogs head coach Jeff Napa.

Si Clemente ang topscorer para sa NU sa kanyang 14 points, habang si Malonzo ay may pitong puntos at siyam na rebounds.

Humakot din si Kean Baclaan ng walong puntos, pitong rebounds, at apat na steals sa low-scoring affair.

Solong nakaupo ang Bulldogs sa ibabaw ng standings sa 4-1, habang binura ang two-game winning run ng Soaring Falcons sa pagdausdos nito sa 2-3 baraha para sa pang-anim na puwesto. 

Iskor:

NU 58 - Clemente 14, Baclaan 8, Malonzo 7, Figueroa 7, Enriquez 7, Yu 7, Manansala 2, Tibayan 2, John 2, Galinato 2, Padrones 0, Mahinay 0, Minerva 0, Palacielo 0.

Adamson 54 - Manzano 12, Lastimosa 11, Douanga 9, Yerro 7, Colonia 4, Hanapi 4, Jaymalin 3, V. Magbuhos 2, Torres 2, W. Magbuhos 0, Barcelona 0, Fuentebella 0, Flowers 0.

Quarters: 11-11, 28-25, 41-35, 58-54.