Lady Archers kalmado lang,   sapol ang Lady Tams, 65-58

Lady Archers kalmado lang,   sapol ang Lady Tams, 65-58

Lady Archers kalmado lang,   sapol ang Lady Tams, 65-58

 
Kalmado na nakihamok ang De La Salle University para itumba ang Far Eastern U., 65-58 , Sabado ng umaga sa UAAP Season 85 women's basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City. 
 
Warat ng  10 matapos ang back-to-back conversions ng Lady Archers, kumarga ang Lady Tamaraws ng walong 'alang sagot na puntos para idikit sa dalawa,  54-56 may 4:50 pa sa huling kuwadro.
 
Pero rumesponde sina Charmine Torres, Lee Sario, at Fina Niantcho para sa  La Salle sa bisa ng 8-1 pasabog para   makadistansiya, 30.1 segundo na lang, 64-55.
 
"I thought we had a grind-out game. We needed this kind of win because 'yung last game we won by a blowout. This is a character win for us," sambit ni Lady Archers head coach Cholo Villanueva.
 
Pumalaso si Niantcho ng astig na  double-double 16 points at 19 rebounds, habang si Torres at may 16 points at walong  rebounds.
 
Si Sario, na sinapol ang pamasak na tres,  may  1:08 ang nalalabi ay kumahig din ng siyam na puntos. 
 
"There's really no superstar for us. The superstar here is the system," ani pa Villanueva, na bilib sa magandang ipinamalas ng kanyang mga alipores diretso sa kanilang pang-apat na panalo. 
 
Hinila ng Lady Archers ang kanilang winning streak sa tatlo para sa  4-1 kartada,  habang lasap ng Lady Tamaraws ang kanilag ikatlong sunod na kabiguan para bumagsak sa 1-4 tungo sa pampitong puwesto.(Louis Pangilinan/UAAP)
 
 
Iskor:
 
The Scores:
 
La Salle 65 - Niantcho 16, Torres 16, Sario 9, Binaohan 8, Ahmed 6, Arciga 5, Dalisay 3, Jimenez 2, Dela Paz 0, Espinas 0, Camba 0.
 
FEU 58 - Pacia 16, Taguiam 13, Go 9, Obien 9, Delos Santos 5, Jumuad 4, Cunanan 2, Paras 0, Salvani 0, Aquino 0.
 
Quarters: 22-20, 40-35, 52-46, 65-58.