Adamson Falcons 'pasaway' sa pagbagsak ng FEU Tams, 76-65

Adamson Falcons 'pasaway' sa pagbagsak ng FEU Tams, 76-65

Adamson Falcons 'pasaway' sa pagbagsak ng FEU Tams, 76-65

Adamson Falcons 'pasaway' sa pagbagsak ng FEU Tams, 76-65

Pinanatili ng Adamson University na hindi makaporma sa win column ang Far Eastern University, 76-65, sa UAAP Season 85 men's basketball tournament, Miyerkules ng gabi sa SM Mall of Asia Arena.

Ginamit ng Soaring Falcons ang ibayong atake sa ikatlong yugto para itameme ang Tamaraws sa 10 para maiguhit ang 14-point lead patuntong sa huling kanto , 55-41.

"I was thinking after the game, marunong pala shumoot ito si Vince. Malaking bagay ito sa amin moving forward," saad ni Adamson head coach Nash Racela.

Nagpasabog si Vince Magbuhos para sa kanyang 23 points na tinungkab sa 7-of-8 shooting mula sa ilalim, limang rebounds, dalawang steals, at dalawang blocks.

Dagdag si Jerome Lastimosa ng 13 points at siyam na rebounds, habang nakahugot si Cedrick Manzano ng walong puntos, apat na rebounds, at apat na assists.

Kasosyo ng Adamson ang University of the East at De La Salle University sa barahang 2-2, para sa ikaapat na posisyon habang nakahablot ang FEU ng ikaapat na sunod na kabiguan, sadsad sa 0-4, pinakamasama na nilang simula mula 2006.

 

Iskor:
Adamson 76 -- V. Magbuhos 23, Lastimosa 13, Manzano 8, Douanga 7, Jaymalin 6, Yerro 5, Hanapi 4, Flowers 4, Sabandal 4, Fuentebella 2, Colonia 0, Torres 0, Barasi 0, Barcelona 0, W. Magbuhos 0.

FEU 65 -- Sleat 18, Torres 14, Sajonia 8, Alforque 5, Celzo 5, Gonzales 4, Anonuevo 4, Sandagon 4, Tempra 2, Tchuente 1, Bautista 0, Gravera 0, Guibao 0, Bagunu 0.

Quarterscores: 17-8, 31-27, 55-41, 76-65.