FM Christian Gian Karlo Arca nakisalo sa liderato matapos ang Round 4 ng Malaysia chess meet
by Marlon Bernardino
MANILA---Pinatalsik ni FIDE Master Christian Gian Karlo Arca ng Pilipinas si Muhd Faqih Aminuddin ng Malaysia para agawin ang bahagi ng pangunguna pagkatapos ng apat na round sa Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championship 2023 - Open division sa Sabah Oriental Hotel sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia noong Lunes, Disyembre 4.