BNU Russian Comrade nagkampeon sa Senator Manny Pacquiao chess team tournament
ni Marlon Bernardino
Angeles City, Pampanga---BNU Russian Comrade ang nanguna sa Senator Manny Pacquiao chess team tournament noong Linggo, Agosto 11, 2024 sa Robinsons Balibago sa Angeles City, Pampanga.
Sina Anatoly Pascua at Vladimir Lait ang nag-angkla sa kampanya ng BNU Russian Comrade sa huling round sa pamamagitan ng pagtalo kay Alfredo Balquin Jr., at John Mauricc Delos Santos, sa board 2 at board 3, ayon sa pagkakabanggit.