Nanalo ng chess gold ang 12-anyos na Pinay sa Thailand
ni Marlon Bernardino
MANILA---Nagwagi ng gintong medalya ang labindalawang taong gulang na Pinay sa Bangkok, Thailand.
Pinangunahan ni Ashzley Aya Nicole Paquinol, isang Grade 6 pupil ng CUBED (Capitol University Basic Education Department) ang Under-12 Girls category (individual rapid event) sa 21st ASEAN+ Age-Group Chess Championships 2023 noong Linggo, Hunyo 25.