Aprubado na ni Pangulong Digong Duterte ang mas maalwan na
community quarantine simula Hunyo 1 (Lunes) para sa Metro Manila, Region 2, Region 3, Region 4-A (Calabarzon), Albay, Pangasinan at Davao City ,ang epesentro ng coronavirus pandemic sa bansa.
Nitong Huwebes, umabot na sa 15,588 ang kumpirnadong kaso ng COVID-19, 3,598, ang nakarekober habang 921 ang pumanaw sa naturang virus.
Inirekomenda ng Inter-agency Task Force (IATF) ang pagbabalik ng mass transportation – puwera lang sa mga jeepneys – sa ilalim ng general community quarantine.
Umpisa rin sa June 1, pinapayagan na rin ang buses na bumiyahe ng 50 porsiyentong kapasidad sa NCR, pero ang mga modernong jeepney ay nanatig ling hindi puwedeng mag-operate sa loob ng tatlong linggo
Mga train at bus na lumalakbay sa ruta ng may serbisyo ng train ay papayagang bumiyahe na rin gayundin ng shuttles ng pribadong kompanya, transport network vehicle services tulad ng GrabCar, taxis, tricycles, at point-to-point buses.
Ang naturang alituntunin ay batay sa rekomendasyon ng lahat ng 17 mayors ng National Capital Region na ilipat mula modified enhanced community quarantine sa maginhawa, relaks na GCQ para payagan ang marami pang nonessential businesses na magbukas sa pag-asang maumpisahan muli ang ekonomiya at matulungang kumita ang mga trabahador sa gitna ng krisis dulot COVID-19 .
Sa GCQ set-up, ang mga checkpoint ay mananatiling ipatutupad pero pili lang (random) para hindi magdulot ng mabigat na trapiko.
Patuloy na ipatutupad ng awtoridad ang health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing. (LP)