Sta.Rosa, Laguna -Inalis na ang liquor ban dito sa lungsod ng Biñan at Sta.Rosa nito pang Mayo 21, 2020 kasunod ng paghahayag sa “modified” enhanced community quarantine sa Kamaynilaan, Cebu at Laguna.
Nagpasa ang city government ng ordinansa na nagtatanggal sa ban na anila'y kelangan na ang mag relaks sa buong pagbawal sa pagbebenta, distribusyon at pagbili ng nakalalasing na inumin sa nasasakupan ng siyudad para sa pang ekonomiyang rason.
Kasunod ng IATF Resolution No. 35, kung saan isinailalim ang Province of Laguna sa Modified Enhanced Community Quarantine, ang pagbabawal sa SALE at CONSUMPTION ng beer, liquor at iba pang alcoholic beverages ng anupamang uri, alinsunod sa City Ordinance No. 2142-2020, ay pormal nang tinanggal sa City of Santa Rosa at Binan Laguna. (LP)