Cartimar, Pasay - Inalis na ng Quezon City at Pasay City ang liquor ban, Biyernes, kasunod ng pahayag ng “modified” enhanced community quarantine sa Metro Manila, Cebu at Laguna.
Nagpasa ang city government ng ordinansa sa pagtanggal sa pagsasabing kailangan nang luwagan ang kabuuang pagbabawal sa pagbebenta, distribution at pagbili ng alcoholic drinks sa loob ng lungsod para sa pangkabuhayang kadahilanan.
Sa ilalim ng ordinansa, ang pagbebenta ng alak at tanging pinapayagan lamang mula 8 a.m. hanggang 6 p.m.
Nag-isyu si Mayor Joy Belmonte ng Executive Order 31, na pumapayag sa pag-angkat o distribusyon ng alcoholic beverages mula 1 p.m. to 5 p.m.
Ngunit, bagamat pinayagan na ng Quezon City ang pagbebenta at distribution ng alcoholic beverages, ani Belmonte ang pagkunsumo ng anumang liquor, wine, beer, o anumang iba pang alcoholic o intoxicating beverage ay pupuwede lang sa loob ng pribadong residente sa panahon ng modified enhanced community quarantine.
Ang City of Paranaque ay nagdesisyon namang mapalawig pa ang liquor ban hanggang May 31, 2020.
Sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na umaapela siya sa kanyang mga nasasakupan na konting tiis pa kasunod ang kanyang desisyon na extend ang liquor ban.
Iminungkahi ng Liquor makers na sa halip ay ang partial ban, na anila'y ang oras para sa pagbenta ay iimplementa para matulungang ma-regulate ang inumin.
Gayunman, sinabi ng Malacañang, na nasa local government units na ang pagpapatupad o alisin ang kanilang sariling liquor bans, kung saan ang COVID-19 Inter-Agency Task Force ay hindi espisipikong dinesisyunan ang isyu.
Dinagdag ni Olivarez na ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa pamumuno ni lawyer Melanie Malaya bilang suporta sa local police at barangays ay napag-atasan ang mahigpit na pagpapatupad ng kautusan.(Louis Pangilinan)