NM Bernardino nagkampeon a Tarlac Open rapid chess tournament

NM Bernardino nagkampeon a Tarlac Open rapid chess tournament

NM Bernardino nagkampeon a Tarlac Open rapid chess tournament

Tarlac City---Pinagharian ni Filipino at United States chess master Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. ang katatapos na Lady of Ransom (LOR) Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa Lady of Ransom covered court, Barangay Matatalaib sa Tarlac City noong Linggo, Setyembre 22 , 2024.


Nasungkit ni Bernardino, ang ipinagmamalaki ng Quezon City at Mandaluyong City, ang P2,000 top prize ng rapid tilt na inorganisa nina Henry at Regina Calacday sa pakikipagtulungan nina Kap. Henry 'Pogi' Oliveros, Sitio Chairman Eric 'Magic' Bondoc at Home Owners Association president Christopher Bautista matapos irehistro ang pinakamataas na output na 5.5 puntos sa pitong outings dahil sa apat na panalo at tatlong tabla.
“I am very happy with my latest victory here in Tarlac City, ' sabi ni Bernardino na tubong Binalonan, Pangasinan na kamakailan ay nag-uwi ng championship trophy.


Ang 47 years old Bernardino na veteran sportswriter at radio commentator ay sariwa pa sa pagkampeon sa Laos international Open Chess Championship noong Setyembre 1 hanggang 6, 2024 na ginanap sa Vientiane, Laos at ang 5th edition ng Single Knockout Armageddon Tournament (SiKAT) na ginanap sa Pavilion Mall, Greenfield District , Mandaluyong City noong Seteymbre 13, 2024 . Si NM Bernardino din ang wagi sa 2nd Edition.
Kabilang sa sumusuporta sa kampanya sa chess ni NM Bernardino ay sina 1996 RP Junior Chess Champion FM Robert Suelo Jr. at ALC Group of Companies Chairman and CEO D. Edgard Cabangon.
Pumapangalawa at pangatlo sina National Master Romeo Alcodia ng San Manuel, Tarlac at Raymart Manicdo ng Gerona, Tarlac na may magkaparehong 5.0 puntos.


Sina Eric Calacday ng San Leonardo, Nueva Ecija at Zyluj Ezekiel Gacutan ng Victoria, Tarlac ang pang-apat hanggang ikalimang puwesto na may tig-4.5 puntos na sinundan ng solong ikaanim na puwesto na si James Henry Calacday ng Tarlac City na nakakuha ng 4.0 puntos.


Papasok sa top 10 ay ang ikapitong Fiscal Judylito Ulanday ng Tayug, Pangasinan (3.5 puntos), walong Jericho Calacday ng San Leonardo, Nueva Ecija (3.5 puntos), ikasiyam na Raven Martinez ng Tarlac City (3.0 puntos) at ikasampung Mark Joseph Apelacio ng Gerona, Tarlac (2.0 puntos).


Si Marlone Salameda ng Tarlac City ang nagwagi sa Matatalaib division habang ang sampung taong gulang na si Kenzo Rafael Capili ng Tarlac City ay kumuha ng kiddies category.
Samantala, muling ipinakita ni NM Bernardino na nananatiling walang kapantay ang kanyang husay sa chess.
Sa 11 sabay-sabay na laro (simul) na kanyang nilaro noong Sabado, Setyembre 21, 2024 sa Metro Town Mall sa Tarlac City, nanalo si NM Bernardino ng 7 laro at apat na tabla.
Ang mga naka draw kay NM Bernardino ay sina Martinez, 12 taong gulang na si Roman Prince Nool ng Moncada, Tarlac , Michael Lance Pineda ng Tarlac City, at 9 taong gulang na si Celestine Francheska V. Paras ng Angeles City, Pampanga.-Marlon Bernardino -
larawan ng caption:
Si Filipino at United States chess master na si Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. (kaliwa), ay nakipagkamay kay Sitio Chairman Eric 'Magic' Bondoc, bago gumawa ng mga seremonyal na hakbang para simulan ang Lady of Ransom  (LOR) Open Rapid Chess Tournament na ginanap sa Lady ng Ransom covered court, Barangay Matatalaib sa Tarlac City noong Linggo, Setyembre 22, 2024. Ang iba sa larawan ay sina National Master Romeo Alcodia at Home Owners Association president Christopher Bautista.