Uste, La Salle kapwa winalis ang men's at women's divisions

Uste, La Salle kapwa winalis ang men's at women's divisions

Uste, La Salle kapwa winalis ang men's at women's divisions

UAAP Season 85 Collegiate Table Tennis 
 
Na-sweep ng University of Santo Tomas at De La Salle University ang eliminasyon ng men's at women's divisions, ayon sa pagkakasunod, para makapasok sa best-of-three Finals ng UAAP Season 85 Table Tennis Tournament, Huwebes sa Makati Coliseum.
 
Pinamunuan nina Manny De Leon at Prince Garcia ang reigning champions Tiger Paddlers sa outright finals berth matapos makumpleto ang 3-0 sweep kontra  Far Eastern University. Pinabagsak ng doubles pair sina Ram Balanquit at Arvin Morales, 11-4, 11-8, 11-6, para sa 12-0 win-loss record.
 
Umakyat sa semis ang Ateneo de Manila University na may dalawang krusyal na panalo kontra Adamson University, 3-2, at De La Salle University, 3-1.
 
Tagumpay si Andrew Uy sa kanyang mga asignatura,  kabilang ang panalo laban kay Green Paddler Dino Gabriel Marcelo, 11-6, 11-6, 4-11, 11-8, sa ikatlong singles match laban sa La Salle.
 
Maglalaban ang La Salle at Adamson sa unang round ng stepladder playoffs matapos  tumabla sa ikatlo na may magkatulad na 7-5 baraha.
 
Sa kabilang banda, kinailangan ng Lady Green Paddlers na idispatsa ang Adamson sa huling pagkakatabla nito sa elims, 3-2, para i-round up ang 12-0 sweep.
 
Dinomina ni Kyla Bernaldez si Allysa Diaño sa deciding singles match, 11-6, 11-3, 11-6, para masiguro ang biyahe ng La Salle sa Finals.
 
Pasok din ang Blue Eagles  sa semifinals sa pamamagitan ng solidong 3-0 sweep ng defending champion UST kung saan sina Kathleene Bulaqueña at Ana Calvo ang nakakuha ng doubles rubber, 11-9, 11-9, 11-5, laban kina Kathlyn Gabisay at Leigh Villanueva.
 
Standings
Men's
UST 12-0
Ateneo 9-3
DLSU 7-7
AdU 7-7
UP 5-7
UE 1-11
FEU 1-11
 
Women's
DLSU 12-0
Ateneo 9-3
UST 8-4
FEU 7-5
UP 3-9
UE 2-10
AdU 1-11
 
 
Lalabanan ng Lady Paddlers ang Far Eastern University sa unang round ng stepladder ng women's side.
(Louis  Pangilinan/UAAP)