PBA: Belo lang ang sakalam!

PBA: Belo lang ang sakalam!

PBA: Belo lang ang sakalam!

Magilas na sinimulan ni Mac Belo ang kanyang lakas para sa Meralco Bolts sa pagsalansan ng career-high 27 points, may siyam na kalawit at itarak ang  85-63  paghilahod kontra  NorthPort sa unang araw ng 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig, Biyernes ng gabi. 
 
 
"He seems to be enjoying being a part of the Meralco team, and he showed tonight on the court, because he led us to this victory. He's a big addition to our team, and hopefully he can continue playing well in our future games," ah  coach Bolta mentor Norman Black. 
 
Nqtutukan ng Bolts ang Batang Pier ng katiting na  21% shooting display. Ang kabuuang tirada   ng NorthPort ay siya ring pinakamasama ng prangkisa na nalagpasan ang  68 puntos na kwnilqng naitala sa  two-point na kabiguan sa ilalim ng "bubble" nung nakaraang taon. 
 
Pinatikim lang ng Meralco ang kanilang oposisyon sa siyam na buslo sa unang yugto kung saan ang Batang Pier ay pumukol lang ng  2/19 sa field. Bentahe na Bolts matapos itarak ang isa, 18-9.
 
Nagawa pang maghabol ng Batang Pier nang putulin sa tatlo ang ungos, 20-17, makaraang ang three-point play ni Robert Bolick,  8:39 oras sa  second, no ngunit na-outscore ng Bolts ang  Batang Pier 16-8 sa kabuuan ng yugto, 36-29 sa halftime.
 
Nangunyapit pa ang alipores ni Pido Jarencio sa opensa na tumipak ng  20% sa kanilang field goal attempts (8/39) sa unang 24 minutes ng giyera.
 
"Mac Belo is a professional. I mean, he came in and immediately blended with the team. He's very quick as far as learning systems and learning plays. I haven't had any problems with him," sambit pa ng veteran tactician. (LP/PBA)