Talikurang panalo ng Meralco kontra RoS, 85-78

Talikurang panalo ng Meralco kontra RoS, 85-78

Talikurang panalo ng Meralco kontra RoS, 85-78
PBA

Talikurang panalo ng Meralco kontra RoS, 85-78

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

SMART Clark Giga City - Isinabit ng Meralco ang talikurang panalo sa kanilang unang back-to-back na asignatura sa PBA bubble play restart.

Mula sa dikitang halftime score, rumatsada ang Bolts sa rumaragasang ikatlong kanto at abatan ang paghahabol ng Rain or Shine Elasto Painters sa payoff period para ikonekta ang 85-78 panalo Huwebes sa Smart 5G-powered AUF Sports Arena.

Sa kanilang maagang tagumpay sa Blackwater kasunod ang key win sa Rain or Shine, umusad ang Bolts sa fourth kasalo ang Phoenix Fuel Masters sa 5-3 habang bumaba E-Painters sa sixth place, 4-3.

Makisig na bumalik mula sa sanglinggong pahinga, palapit ang Bolts na makaentra sa playoff na may solidong tsansa saTop Four at kanilang twice-to-beat bentahe sa quarterfinals.

"Yun ang motivation namin," ani Meralco chief playmaker Baser Amer.

 

"Last five years sa all-Filipino, hindi kami makapasok sa playoffs. Gusto namin makapasok ngayon at gusto namin na pasok sa Top Four," dagdag ni Amer.

"We talked about trying to come out strong in the third as that's been a problem for us in the past games," hayag ni coach Norman Black na tinukoy ang kanilang 28-7 atake sa third bilang malaking susi sa laro.
The scores:
Meralco 85 - Newsome 17, Amer 14, Hugnatan 13, Maliksi 9, Hodge 8, Quinto 8, Jamito 6, Black 5, Almazan 4, Pinto 1, Faundo 0, Jackson 0, Jose 0, Salva 0, Caram 0.

Rain or Shine 78 -Yap 18, Torres 11, Belga 11, Nambatac 8, Wong 6, Tolentino 6, Borboran 6, Mocon 5, Onwubere 3, Norwood 2, Ponferada 0, Rivero 0, Rosales 0, Dolliguez 0,Arana 0.

Quarters: 27-28, 46-41, 74-51, 85-78.