PBA sinuspendi ang Philippine Cup bubble

PBA sinuspendi ang Philippine Cup bubble

PBA sinuspendi ang Philippine Cup bubble
PBA

PBA sinuspendi ang Philippine Cup bubble

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Napagdesisyunan ng PBA na suspendihin muna ang paglalaro ng Philippine Cup bubble habang nakatengga ang bagong protocols na isinusog ng Department of Health (DoH) at ng IATF at DoH Advisory Group of Experts para siguruhin ang integridad at kaligtasan ng league bubble.

Ang pang -Biyernes na dalawang aksiyong naka- iskedyul sa Angeles University Foundation gym (powered by Smart 5G) sa pagitan ng NorthPort at Magnolia gayundin ng Barangay Ginebra kalaban ang five-time defending champion San Miguel ay ang mga unang doubleheader na nakatakda sanang ilaro ang apektado sa pinakahuling pagpaliban ng mga laro.

Nakabalag din ang mga ensayo ng koponan, bagamat ang paggamit ng amenities sa loob ng Quest Hotel gaya ng pool, gym, at jogging area ay nananatiling bukas na gamitin sa lahat ng teams.

Gayunman, nagpapasalamat ang PBA sa kagandahang loob ng IATF, DoH, at the Clark Development Corporation (CDC) para sa kanilang patuloy na suporta at patnubay.