Belga, Santillan, pinatingkad ang RoS kontra Blackwater, 131-108

Belga, Santillan, pinatingkad ang RoS kontra Blackwater, 131-108

PBA

Belga, Santillan, pinatingkad ang RoS kontra Blackwater, 131-108

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Ni Louis Pangilinan
 
Nagpamalas ang RAIN or Shine ng all-around game   para laktawan ang  Blackwater at kahit ang buenamanong pagtimon ni  coach Jeff Cariaso, na nagresulta sa 131-108 win  Linggo sa PBA On Tour sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.
 
Gaya ng dati nilang inasal, walang patumanggang umariba ng husto ang  Elasto Painters  sa loob at labas daan para mangapa ang mga  Bossing diretso sa ikalawang sunod na panalo.
 
Pero higit na markado para sa Rain or Shine, ang 8-2 kartada nito na  nasungkit ang pangalawang puwesto sa pre-season tourney   na sunod na makakaharap ang  Meralco sa darating na Biyernes.
 
Ang Magnolia, na tinalo ang Rain or Shine dalawang Sabado na ang nakalipas para sa 9-0 karta, ay tiniyak ang sarili sa pinakamataas na baraha anuman  ang magiging  resulta sa pagsabak nito sa Phoenix Super LPG sa Linggo at Terrafirma sa Miyerkules.
 
Ang pagkatalo ay hindi lamang gumutay sa tatlong sunod na panalo ng Blackwater bagkus inilaglag  din ito sa 6-4 na baraha sa kabila ng personal na paggiya ni Cariaso sa unang pagkakataon sa torneo na inatado ng Arena Plus at itinaguyod ng Bingo Plus.
 
Si Rain or Shine coach Yeng Guiao, na nagbabakasyon nang talunin ng kanyang tropa ang NorthPort noong Miyerkules, ay pihadong   mas ganado  sa paraan ng patuloy na pagpapakita ng kanyang koponan ng fine-tune ang laro nito sa regular season noong Oktubre. (Louis Pangilinan/PBA)
 
 
Iskor:
 
Rain or Shine (131) - Santillan 24, Caracut 18, Mamuyac 17, Ildefonso 12, Clarito 11, Demusis 10, Asistio 9, Ponferada 9, Belga 8, Belo 7, Borboran 6.
 
Blackwater (108) - Ilagan 18, Digregorio 17, Rosario 15, Ular 14, McCarthy 14, Suerte 11, Amer 6, Escoto 6, Casio 3, Publico 3, Banal 1, Ayonayon 0.