San Miguel positibo sa Torneo

San Miguel positibo sa Torneo

PBA

San Miguel positibo sa Torneo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Tiwala na muli ang San Miguel matapos ang balik-aksiyon ng kanilang pangunahing sandata sa pagrampa sa ng tropa sa playoffs ng PBA Commissioner's Cup.
 
Ipinasok ng defending champion ang three-time scoring champion na si Terrence Romeo sa kauna-unahang pagkakataon sapat na para umayon ang pagkakataong malunok ang  113-108 panalo ng Beermen kontra Meralco Bolts sa huling araw ng eliminations sa Philsports Arena,  Sabado. 
 
 
Sumilakbo ang 30-anyos na guwardiya sa kabuuang 16 minuto at nakahatag ng  12 puntos para sa ikatlong sunod na panalo ng Beermen para tapusin ang kanilang kampanya sa 7-5 record bilang no. 5 seeded team diretso sa  quarterfinals.
 
Bagama't nakakuha siya ng passing grade mula sa deputy coach na si Jorge Galent, gusto pa rin ng team na hinay hinay ngunit tiyak para sa high-scoring na si Romeo, na huling naglaro noong Marso 18 ngayong taon nang matalo ang Beermen laban sa Bolts sa quarterfinals ng Governors Cup.
 
Bumagsak si Romeo na may pinsala sa likod bago ang simula ng season, kaya napilitan siyang laktawan ang buong Philippine Cup at ang pinakaparte ng all-Filipino eliminations.
 
"He looks fine inside the court. His stamina is kind of ok, but we just didn't want to push his minutes kasi this is just his first game after nine months," sundot ni Gallent.
 
"So you just got to let him feel the game, so that when the playoffs come, he played already."
 
 
Sadyang lubos na kailangan ng San Miguel ng malaking tulong na maaaring dumating sa quarterfinals dahil ito'y makakaharap ang no. 4 seed Converge sa isang best-of-three na serye.
 (Louis Pangilinan/PBA)
 
Iskor:
 
San Miguel (113) -- Scott 32, Lassiter 13, Romeo 12, Cruz 10, Perez 10, Fajardo 9, Enciso 8, Manuel 7, Tautuaa 6, Brondial 4, Zamar 2, Ross 0, Herndon 0.
 
Meralco (108) -- McDaniel 27, Black 21, Jose 16, Quinto 15, Caram 9, Maliksi 7, Pasaol 4, Belo 4, Hugnatan 3, Hodge 2, Pascual 0, Baclao 0, Johnson 0.
 
Quarterscores: 28-21; 70-50; 94-73; 113-108.