Hotshots binatak ang twice- to-beat, Road Warriors kikig pa

Hotshots binatak ang twice- to-beat, Road Warriors kikig pa

PBA

Hotshots binatak ang twice- to-beat, Road Warriors kikig pa

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Inari na ng Magnolia ang Top Two finish at nahatagan pa ng buhay ang NLEX sa pamamagitan ng 106-90 panalo laban sa Rain or Shine sa pagtatapos ng PBA Commissioner's Cup elims sa PhilSports Arena sa Pasig Biyernes.
 
Isang marahas na closing quarter ang inatupag ng Hotshots nang malagpasan nila ang Elasto Painters, daan para mahabol ang Bay Area Dragons sa 10-2 sa pagtatapos ng single-round-robin elims.
 
 
Pero dahil sa bisa ng win-over-the-other rule, nakuha ng Dragons ang pole spot at ang Hotshots ang second seed bagama't kapwa magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa kani-kanilang quarterfinals showdowns laban sa ikawalo at ikapitong posisyon.
 
Sa pagkapanalo sa kanilang huling laro, sinampa ng Hotshots ang Barangay Ginebra Kings (9-3) sa third seed na maglalaro sa No. 6 NorthPort sa isang best-of-three quarters faceoff.
 
Nakinabang ng big time sa panalo ng Hotshots laban sa Elasto Painters ang NLEX Road Warriors.
 
 
Sa panalo ng Magnolia at mas maaga ng San Miguel Beer laban sa Meralco, nalutas ang No. 1 hanggang No. 7 spot -- Bay Area, Magnolia, Ginebra, Converge, San Miguel, NorthPort at Phoenix.
 
Si Coach Yeng Guiao at ang kanyang mga tropa ng ROS ay mukhang patungo na sa pagselyo ng No. 8 slot nang kontrolin nila ang halos lahat ng unang tatlong quarter.
 
Ngunit pagkatapos ay dumating ang Magnolia na nagpakawala ng malaking 35-13 na bomba sa fourth quarter. (Louis Pangilinan/PBA)
 
Iskor:
 
Magnolia 106 - Rakocevic 21, Lee 16, Sangalang 16, Abueva 12, Barroca 12, Dela Rosa 9, Jalalon 6, Ahanmisi 6, Mendoza 5, Wong 3, Reavis 0, Corpuz 0, Dionisio 0.
 
Rain or Shine 90 - Santillan 15, Nambatac 15, Pearson 14, Mamuyac 9, Torres 8, Ponferrada 6, Caracut 6, Nieto 6, Asistio 5, Norwood 4, Demusis 2.
 
Quarters: 24-28, 44-52, 71-77, 106-90