Bay Area tinaktak  ang  TNT, 104-108

Bay Area tinaktak  ang  TNT, 104-108

PBA

Bay Area tinaktak  ang  TNT, 104-108

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Naitarak ng Bay Area ang kanilang dagliang   target na mahugot ang isa sa upuan q'finals kasunod ng 140-108 panalo laban sa TNT sa PBA Commissioner's Cup Miyerkules sa  PhilSports Arena.
 
 
Tumirada si  Myles Powell ng 37 puntos sa ilalim lamang ng 31 minuto at nakakuha ng sapat na tulong nang tapusin ng Dragons ang kanilang kampanya sa eliminations sa ikaapat na sunod na panalo para maitala ang 10-2 kartada.
 
 
Ang 8-2 ng Magnolia at 7-2 Barangay Ginebra ay maaaring huli pa ang guest team sa tuktok, pero hindi na 'to importante dahil ang Bay Area ay tiyak na ang posisyon bilang  isa sa nangungunang dalawang tropa sa pagtatapos sa eliminasyon at  twice-to-beat edge  sa isang may mababang ranggo na kalaban sa eight-team quarterfinals.
 
Naniniwala si winning coach  Brian Goorjian na naihanda ng kanyang koponan ang sarili para sa mga darating na mas mahihirap na laban. 
 
“We came here to grow and get better and through the competition here and... I think the big plus for our season here is our local (Chinese) kids are really improving,” aniya. 
 
"I'm really pleased with the development of our young," dagdag ng Australian-American. "I'm really thankful for the competition. That's why we're here, they've really helped us grow." (Louis Pangilinan /PBA) 
 
 
Iskor:
 
Bay Area140 - Powell 37, Lam 30, Zhu 22, Zheng 16, Reid 10, Yang 9, Song 7, Blankley 3, Ju 2, Liu 0, Zhang 0, Liang 0.
 
TNT 108 - Mobley 38, Pogoy 16, Erram 16, Tungcab 13, M.Williams 11, Ogtana 9, Soyud 2, Ganuelas-Rosser 2, Marcelo 2, Khobuntin 0, K.Williams 0, Cruz 0, Heruela 0.
 
Quarters: 34-24, 80-60, 109-82, 140-108