Beermen binangga ang Dyip, 131-103  

Beermen binangga ang Dyip, 131-103  

PBA

Beermen binangga ang Dyip, 131-103  

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Dismayado naman ang tsansa para sa Terrafirma Dyip, wala sa protocol ang import na si Lester Prosper,  sakto naman sa pagbabalik ng San Miguel ace behemoth na si June Mar Fajardo.
 
At tulad ng Bay Area laban sa TNT squad na dumanas ng injury, kalmanteng nasungkit ng Beermen  ang 131-103 panalo laban sa Dyip sa PBA Commissioner's Cup sa PhilSports Arena sa Pasig, Miyerkules.
 
 
Sa pagbabalik ni Fajardo, nagpamalas ang Beermen ng ibayong determinasyon na itulak ang kanilang target para makahabol ng tiket sa post-elims play.
 
Nakakolekta si Fajardo ng 20 puntos at siyam na rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa isang throat surgery, na umakma sa 25 markers ni Jericho Cruz at triple-double ni Devon Scott na 21 puntos, 19 rebounds at 11 assists.
 
Sina Vic Manuel (20) at CJ Perez (12) ay may sarili nilang double-digit  output diretso sa pagpinid ng Beermen sa sixth-placer NorthPort (6-5), patungo sa mga huling laro sa elims.
 
Puntirya ng  Beermen na maisulong ang kanilang mas maalab na hangarin sa pagsagupa nila sa  TNT at Meralco sa huling dalawang nalalabing asignatura. 
 
Ang pagwalis nito sa dalawang laro ang maghahatid sa  Beermen sa best-of-three position sa quarterfinals.
 
"Gumaan ang lahat dahil nandyan na si June Mar," sambit ni Cruz kung saan tutok din sa pagbabalik ni  Terrence Romeo sa lalong madaling panahon.
 
 "Terrence is Terrence, malaki ang maitutulong nya pagbalik nya." 
 
"The game plan was to go hard, not thinking wala silang import," sabi ni assistant coach Jorge Gallent.
 
Matiyaga na namaybay ang Beermen kung saan inakyat nila ang sixth spot bitibit ang ikalimang panalo sa gayundin bilang ng kabiguan.  (Louis Pangilinan/PBA)
 
 
Iskor:
 
San Miguel 131- Cruz 25, Scott 21, Fajardo 20, Manuel 19, Perez 12, Zzamar 8, Enciso 5, Herndon 5, Ross 4, Brondial 4, Faundo 2, Lassiter 1.
 
Terrafirma 103 - Tiongson 28, Gomez de Liano 17, Mina 15, Ramos 8, Munzon 8, Camson 7, Javelona 6, Gabayni 5, Alolino 4, Balagasay 3, Grospe 2, Cahilig 0.
 
Quarters: 29-19, 63-38, 96-67, 131-103