Batang Pier ginupit ang FiberXers' seven-game win streak, 112-97  
PBA

Batang Pier ginupit ang FiberXers' seven-game win streak, 112-97  

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Naging timbulan  ng NorthPort ang career game ni rookie William Navarro para pabagsakin ang all-Filipino Converge crew, 112-97, at palakasin ang biyahe nito para sa playoffs ng PBA Commissioner's Cup Linggo sa Smart Araneta Coliseum.
 
Kumaskas si Navarro ng bagong career high na 29 puntos, 17 rebounds at siyam na assist at pinangunahan ang third-quarter breakaway na nagtakda ng tono para sa krusyal na panalo na pinalaylay  ng Quincy Miller-less FiberXers.
 
 
Hinila ng NorthPort ang kanilang streak sa tatlong laro at pinanatili ang pagkakapit nito sa ikalimang puwesto sa 6-5 overall, kinarga ito habang pinahinto ang seven-game roll ng Converge, na laglag sa 8-3.
 
Nagpasya ang FiberXers na ibangko si Miller matapos niyang hindi makasama sa pagsasanay ng koponan kasunod ng isang gabi ng pagdiriwang para sa kanyang ika-30 kaarawan kamakailan.
 
"We're expecting na full force sila but eventually yung import nila, hindi naglaro. Naging favorable for us. But with or without import, ready kami," sabi ni NorthPort coach Pido Jarencio.
 
Gumatilyo si Navarro ng 16 sa isang maalab na performance mula sa halftime break nang bumagsak ang NorthPort sa 52-49 count at humablot ng 88-73 iskor.
 
Parehong mahalaga sa buong taktika ng mga bagay ang solid outings ni Robert Bolick, na nag-paputok ng 26 na may 10 dimes at anim na tabla, at Prince Ibeh, na humagis ng 19 puntos, 15 rebounds at walong butata kasama ang isang American counterpart sa kabilang panig. 
 
Sina Arvin Tolentino (15) at Roi Sumang (siyam) ay naghatid din sa mga komplementaryong serbisyo.
 (Louis Pangilinan /PBA) 
 
Iskor:
 
NorthPort 112 - Navarro 29, Bolick 26, Ibeh 19, Tolentino 15, Sumang 9, Balanza 7, Ferrer 4, Ayaay 2, Chan 1, Caperal 0, Calma 0.
 
Converge 97 - Melecio 10, Teng 14, Ahanmisi 11, Ilagan 11, Tratter 9, Stockton 8, Arana 8, Browne 6, Racal 6, DiGregorio 2, Bulanadi 2, Ambohot 0.
 
Quarters: 28-18, 52-49, 88-73, 112-97