Terrafirma tinodas ang NLEX sa OT, 124-114

Terrafirma tinodas ang NLEX sa OT, 124-114

PBA

Terrafirma tinodas ang NLEX sa OT, 124-114

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
 
Pinondohan ng 50-point pasada ni Lester Prosper, winakasan ng Terrafirma ang siyam na buwang paghihikahos para ibiyahe ang 124-114 overtime na tagumpay laban sa NLEX Biyernes sa PBA Commissioner's Cup sa Smart Araneta Coliseum.
 
Sa pagtugon sa hamon ni coach John Cardel, nag-beast mode si Prosper at rumatrat ng sunud-sunod na baskets kabilang ang pito sa dagdag na minuto tungo sa pagselyo ng tropa sa  mailap na panalo matapos na sayangin ng Dyip ang 10 puntos na kaungusan sa regulasyon.
 
 
Nagwagi ang Dyip pagkatapos ng 10 laro sa mid-season conference, higit sa lahat ay nakatikim muli ng panalo sa unang pagkakataon mula noong 109-103 diskaril ng Blackwater noong Pebrero 12 sa Season 46 Governors' Cup elims.
 
"I think we got lucky in this game. Struggling din ang NLEX so I told the boys we have to take advantage of that," sambit ng nahimasmasang si  Cardel, 
kahit na ang koponan ay wala sa lahat ng kontensyon pero determinadong yumuko sa kumperensya nang may isang pasabog. 
 
"I told Lester before this game 'you gotta get 50 points' and he did that, " salo niya sa kanyang pag uusap kay  naturalized Indonesian (19 rebounds, five assists, one block) sa gabi ng giyera. 
 
"I'm also thankful to the players - Juami (Tiongson), Gelo (Alolino) and Alex (Cabagnot). After 25 games, at least nasira namin ang sumpa. We can now start again and we hope to carry this to our last two games (in the elims)." pasalamat ni Cardel. 
 
 
Pasabog si Tiongson ng 18 plus nine assists at walong boards, habang si Eric Camson ay nag-shoot ng 15, nagdagdag si Alolino ng 10 at si Cabagnot ay nagtala ng walong markers, 10 rebounds at anim na dime sa pagtulong kay Prosper.
 
Ibinagsak naman ni Cabagnot ang isang krusyal na tres at i-setup si Cahilig para sa dalawang clutch layup para itampisaw  ang 12-2 barrage na nagbigay-daan sa Terrafirma na makawala sa 112-112 deadlock sa OT.
 (Louis Pangilinan/PBA)
 
 
 
Iskor:
Terrafirma 124- Prosper 50, Tiongson 18, Camson 15, Alolino 10, Cabagnot 8, Ramos 7, Munzon 5, Cahilig 4, Gomez de Liano 3, Javelona 0.
 
NLEX 114 - Clark 45, Trollano 26, Ganuelas-Rosser 22, Rosales 12, Nieto 9, Paniamogan 0, Celda 0, Miranda 0, Chua 0, Varilla 0.
 
Quarters: 40-30, 68-54, 93-85, 110-110, 124-114 (OT)