Pasampa sa dulo ng single-round-robin elims, singasing ang Gin Kings sa kanilang four-game run at gahakbang sa tatlong nangungunang tropa sa karerahan para sa Top Two. Sustenado ang kanilang talas mula sa mahabang pahinga sinagasaan ng Kings ang Blackwater Bossing, 98-84, para ipinid ang karapatang pag-entra sa playoff sa PBA Commissioner's Cup Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Buong ipinamalas ang kanilang talas pagkatapos ng halftime huddle, kung saan pinasabog ng Kings ang Bossing sa ikatlong yugto at angkinin ang tagumpay na nagpalakas sa kanilang Top 2 drive.
"It's a real honor to say I did that, but it just goes to show that I'm old," saad ni Cone.
"We'll definitely go for the 1,001st against TNT on Sunday. We'll enjoy for a moment then move on," palatak pa ni Cone.
Ito ay isang gabi ng katuparan ng pangarap hindi lamang para kay Cone kundi para din sa import na si Justin Brownlee, ang pinakauna sa mga reinforcement na nakapagtala ng 300 steals.
Sa naturang laro, nakakuha ng apat na steals si Brownlee na may 17 puntos, pitong rebound at tatlong assist.
Umangat ang Ginebra sa 6-2 habang halos isinara ang playoff door sa Blackwater sa ikalimang sunod na talo at ikawalong overall sa 11 outings.
Para kay coach Tim Cone, isa na naman itong milestone na idinagdag sa kanyang maalamat na kuwento. Ito ay tagumpay No. 1,000 para sa twice-grand slam-winning mentor.
(Louis Pangilinan /PBA)
Iskor:
Ginebra 98 - Brownlee 17, Thompson 16, Gray 15, Malonzo 13, Standhardinger 10, Mariano 8, Pringle 7, J. Aguilar 5, Pessumal 3, Tenorio 2, Dillinger 2, Pinto 0, R. Aguilar 0, David 0.
Blackwater 84 - Ular 20, Jackson 14, Krutwig 11, Ayonayon 10, Banal 6, Suerte 6, Sena 6, Go 4, Dyke 4, Taha 3, Ebona 0, Melton 0.
Quarters: 27-22, 52-47, 75-58, 98-84