Hotshots nasilat ang Beermen 85-80, selyado na ang playoff berth

Hotshots nasilat ang Beermen 85-80, selyado na ang playoff berth

PBA

Hotshots nasilat ang Beermen 85-80, selyado na ang playoff berth

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Maagang dumanas ng foul si Paul Lee pero nagawang umariba ng matinding pag-atake sa krusyal na sandali para umaasbok na masilat ng pacesetting Magnolia Hotshots ang San Miguel Beermen, 85-80 sa PBA Commissioner's Cup Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Limitado sa 28 minuto dahil sa maagang sitwasyon ng foul-trouble, nagpalabas pa rin si Lee ng solidong performance na nalimitahan ng eight-point flurry sa huling 90 segundo, at hanguin ang Hotshots sa pusali ng kapahamakan mula sa gitgitang bardagulan nila ng Beermen.

Mula sa kanilang 77-76 na kalamangan, nasungkit ni Lee ang back-to-back treys, at kalaunan ay itinapon sa insurance free throws nang masungkit ng Hotshots ang playoff slot sa kanilang ikawalong panalo sa siyam na outings.

"I just let it fly, and luckily pumasok, and it gave us the cushion," sambit ni Lee sa kanyang three-point bombs tampok ang kanyang 14-point game na may tatlong rebound at dalawang assist laban sa dalawang turnovers at apat na quick fouls.

"We shared the ball, kaya nakakuha ng open shots and baskets from drop passes," ani pa Lee na ang kanilang atake ay inangkorahe ni Nick Rakocevic na nagtala ng 26 puntos at 28 rebounds.

May sariling double-double na 12 markers at 14 rebounds si Ian Sangalang kung saan si Mark Barroca ay umiskor ng 12 puntos para sa Hotshots na muling nangunguna sa karera para sa top two at twice-to-beat incentive sa quarters.

Sa likod nila ay ang Bay Area at Converge sa 8-2.

Malaking dagok ang natamo ng San Miguel na may ikalimang talo sa walong laro na nagpababa sa Beermen sa ika-10 puwesto.

Minus June Mar Fajardo, ang Beermen ay grabeng nagiba ng Hotshots, 36-61, sa rebounding.
Tinalo ng Hotshots ang Beermen, 22-3, sa second-chance points kung saan si Rakocevic at ang kanyang mga kasamahan ay nakakuha ng 20 offensive rebounds laban sa tatlo ng SMB. (Louis Pangilinan /PBA)

 

Iskor:

 

Magnolia 85 - Rakocevic 26, Lee 14, Sangalang 12, Barroca 12, Jalalon 6, Abueva 5, Wong 4, Dela Rosa 2, Corpuz 2, Ahanmisi 2, Laput 0, Dionisio 0.

SAN MIGUEL 80 - Scott 19, Lassiter 16, Perez 16, Manuel 16, Tautuaa 6, Ross 3, Herndon 2, Brondial 2, Enciso 0, Cruz 0.

QUARTERS: 23-25, 37-37, 65-60, 85-80