NorthPort binangga ang Terrafirma, 91-85

NorthPort binangga ang Terrafirma, 91-85

NorthPort binangga ang Terrafirma, 91-85
PBA

NorthPort binangga ang Terrafirma, 91-85

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ANTIPOLO - Umeskapo ang NorthPort mula sa bitag na inilatag ng Terrafirma at dunggulin ang 91-85 panalo para pagtibayin ang playoffs bid sa PBA Commissioner's Cup Sabado dito sa Ynares Center.

Pinasan ni Arvin Tolentino ang career-high 31, kasama na ang 11 sa fourth-quarter para isalba ang Batang Pier buhat sa arangkada ng tusong Dyip crew na nagbantang wakasan ang siyam na laban para sa kanilang interes.

Sa baton ni Tolentino, tinungkab ng no-quit troops ni Coach Pido Jarencio ang 27-14 palitan sa huling serye para kumpletuhin ang arangkada at masiguro ang kanilang ikalawang magkasunod na panalo.

Karga ang 5-5 bagahe, umakyat ang Batang Pier para sa pang-anim na puwesto.

Samantalang ang Dyip ay sumadsad sa 0-9 sa mid-season tournament matapos basagin ang 15-point kalamangan.

Sa halip na maitala ang resulta ng panalo sa unang pagkakataon mula sa 109-103 win laban sa Blackwater nung Pebrero, nasulasok ang Dyip at nabaon pa sa 25-game losing streak.

"Gusto lang talaga naming manalo especially naghahabol kami ng playoff spot," sambit ni Tolentino, na tumabo ng limang three-pointers at kumalawit ng 12 rebounds.

Nagdagdag si Robert Bolick ng double-double na 12 markers at 10 assists habang si William Navarro ay tumirada din ng 12 sa krusyal na come-from-behind win.

Kinalsuhan ng Batang Pier ang unahan makaraan ang malambot na atake sa first half at baligtarin ang angkorahe sa bisa ng 46-30 salvo sa huling 24 na minuto.

"We were struggling in the first half, we we're not making open shots. But sabi ko sa kanila, in the second half, the law of averages will come in at tayo naman ang makaka-shoot consistently," saad ni coach Pido Jarencio.

Iskor:

NorthPort 91 - Tolentino 31, Bolick 12, Navarro 12, Ibeh 9, Sumang 7, Balanza 6, Ferrer 5, Ayaay 4, Salado 3, Chan 2, Taha 0.

Terrafirma 85 - Prosper 23, Tiongson 18, Cabagnot 16, Alolino 8, Ramos 8, Munzon 5, Calvo 3, Cahilig 2, Javelona 2, Camson 0, Gabayni 0, Gomez de Liano 0.

Quarters: 20-28, 45-55, 64-71, 91-85.