ANTIPOLO - Pinukpok ng Magnolia ang wire-to-wire 90-80 pagdiskaril sa Phoenix para lalo pang higpitan ang pagkakahawak sa itaas ng PBA Commissioner's Cup Sabado ng gabi dito sa Ynares Center.
Sinimulan ng Hotshots ang bagwis na arangkada para itaboy ang Fuel Masters sa second-half fightback at tiyakin ang kanilang ikapitong panalo sa walong laban at manatili sa unahan ng second-running Bay Area (7-2) at Converge (7-2).
Anim na Magnolia stalwarts sa pangunguna ng import na si Nick Rakocevic ang humarbat ng double-digit na produksiyon, bukod sa iba pang mahahalagang aspeto ng laro, para palakasin ang koponan sa running two-game roll matapos mapanatili ang 103-97 setback sa karibal na Barangay Ginebra noong Oktubre 23. .
Nagposte si Rakocevic ng 18 points at kaparehong bilang ng rebounds habang pinalakas ang defensive efforts ng Hotshots sa kanyang apat na steals at dalawang shot blocks.
Hatag sina Calvin Abueva (15 markers at 12 boards), Jio Jalalon (12 points, nine assists), Mark Barroca (11), Paul Lee (10) at Ian Sangalang (10) na umakma sa tikada ng masipag na Serbian-American import na may taas- noong pakitang gilas.
Inarat ng Hotshots ang 21-10 umpisa at hinawakan ang malaking ungos na umabot sa 19 sa 57-38. Ngunit nakabalik ang Phoenix, gamit ang malaking 30-point third quarter na naka-angkla kay Sean Anthony, at umabot sa pito sa 83-76 may pitong minuto pa.
Gayunpaman, tumugon sina Abueva at Jalalon nang todo at nagsanib pwersa upang lumikha ng isang mas malaking bentahe pabalik sa kanilang kuwadra.
"In the first and second quarters, our energy was much higher than theirs and that was the key to the good start," wika ni assistant coach Jason Webb.
"But in the third, when we gave up 30 points compared to the 18s in the first and second quarters, they came up with a lot more energy. They really are a good third-quarter team. Good thing, our final group limited them to 14 in the fourth quarter and went back to our defensive identity." aniya pa.
Iskor:
Magnolia 90 - Rakocevic 18, Abueva 15, Jalalon 12, Barroca 11, Lee 10, Sangalang 10, Dela Rosa 8, Wong 4, Dionisio 2, Corpuz 0, Ahanmisi 0.
Phoenix 80 - Anthony 17, Jazul 11, Mocon 10, Wesson 9, Tio 7, Manganti 5, Rios 5, Perkins 4, Camacho 4, Garcia 3, Adamos 3, Robles 2, Pascual 0, Serrano 0.
Quarters: 27-18, 50-36, 76-66, 90-80.
Photo Credits by: Pba.ph