Markado ang pagbabalik ni Myles Powell sa Bay Area para ibalik sa wisyo ang tropa.
Rumagasa si Powell ng 50 points para sa pirmis na pulso sa scoring diretso sa ultimong pagbuga ng Dragons at mailista ang 120-87 resbak na panalo kontra Rain or Shine Biyernes sa PBA Commissioner's Cup sa Ynares Center sa Antipolo.
Humalibas ang former Philadelphia 76ers guard ng 15-of-25 mula sa field, kasama na ang season-high 11 conversions buhat sa 17 tangka sa arko, at tubusin ang Dragons sa likod ng 89-92 talo sa Meralco nung nakalipas na linggo at makaagapay sa walang larong Converge sa ikalawang posisyon sa magkaparehong 7-2 karta.
"I was excited to be there with my brothers," saad ni Powell na isinuko ang kanyang import slot kay Andrew Nicholson sa Bay Area's aa huling apat na asignatura ngunit bahagyang nagpakita ng kalawang sa isang buwang pahinga.
Gaya ng kanyang star guard, naghatag si Bay Area coach Brian Goorjian ng malakas na shoutout hindi lang kay Powell ngunit gayundin sa tibay ng koponan at conditioning coach para masiguro manatiling matalas si Powell.
"I thought the big thing is keeping these guys engaged even when they're not playing," sabi ni Goorjian. "You can see what he did tonight, he hasn't lost (a step) and he's probably gained during that period of time."
Inilatag din ni Goorjian ang kanyang balak sa tropa para sa kanilang nalalabing elimination round games kung saan tutok na sila kay Powell sa pag-asang mabalutan ang win-once bentahe sa quarterfinals.
"We believe we have a real shake at this and a real shake at finishing at the top two," aniya.
"Myles will take us to that point and then again we'll go from there," ani pa Goorjian. "There's a huge advantage at finishing at the top two... so we're gonna do everything we can to try to get that top two position."
Sa katunayan maaring malagpasan ni Powell ang season-high 50 points ni Nicholson na naitala sa Meralco game, ngunit minabuti ng Bay Area coaching staff na magpahinga na lang sa paupos na sandali matapos ungos ang Dragons 87-58 sa pagtatapos ng third period.
Pinatotohanan ng Dragons ang kanilang kakayahang tibagin ang anumang pag-aalsa ng E-Painters at kalaunan ay tinapos ang panalo na siyang pang-apat na pinaka-uyat na kabiguan sa prangkisa ng Rain or Shine.
(Louis Pangilinan/PBA)
Iskor:
Bay Area 120 - Powell 50, Liu 11, Song 9, Lam 9, Ju 7, Blankley 6, Zhu 6, Ewing 6, Si 6, Zheng 4, Yang 2, Zhang 2, Reid 2, Liang 0.
Rain or Shine 87 - Asistio 20, Nambatac 12, Pearson 9, Norwood 9, Nieto 8, Belga 6, Caracut 5, Ponferrada 5, Santillan 4, Clarito 3, Torres 2, Borboran 2, Demusis 2, Guinto 0, Mamuyac 0, Ildefonso 0.
Quarters: 28-27, 57-42, 87-58, 120-87